Chapter 5

105 9 5
                                    


5 Chapter na lang. At sana taposin nyo po tong storya na to kahit na ang bagal ko mag update. 10 Chapters lang po to at salamat nga pala kay Shane Kho na nag edit ng cover ng Reminisce. <3

____

Isang-buwan ang nakalipas pero parang isang-araw lang ang nagdaan. Hindi ako basta-basta na nakakalimot agad na kahit ilang-taon pa ang mag-daan.

Kaya ko mag-hintay ng ilan-taon kung may iniwan na aasahan. Dahil kaya kong kapitan kahit sa mahirap na paraan. Mabilis lang naman din ako maka-limot pag sobra na sa dahilan, na kung bakit ko dapat kalimutan.

Hindi na kailangan pa ng proseso para kalimutan. Dahil mas maganda ipa-mukha na kaya mong mabuhay ng kahit wala na sila. At isinilang ka mundo ng wala sa tabi nila.

Sa isang-buwan na lumipas ay taong-bahay lang ako. Nag papaka-busy sa mga ginagawa ko araw-araw sa bahay. Minsan nag-tetext din si Jeh na lumabas kami pero tumatanggi lang ako.

Napapa-isip na lang ako kung anu-ano ang ginagawa ni Kristine sa ngayon. Parang dati lang ng bago siya umalis, ay parehas na parehas ang nasa-isip ko. Kung nakakain na ba siya? Masaya ba siya ngayon? Ano na kaya ginagawa niya ngayon? Namimiss niya na kaya ako?

Pero may isa na kusang pumapasok sa isip ko kaya napapa-iling ako. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit na cu-curious ako sa kaniya. Na hanggang ngayon ay bigla-biglang papasok sa isipan ko. Nakakalimutan ko din isipin si Kristine pag nakasama ko tong babae na to.

Napapasimba na rin ako ng maaga kasama si Lola. Dahil may kung anu-anong nagsasalita sa isip ko at bumubulong sa tenga ko, kaya napapakilos ako ng kusa.

Tuwang-tuwa naman si Lola na ngayon ko lang nakita sa kaniya na masayang-masaya nga siya. Naiilang tuloy ako pag si Manang na nagsasalita dahil may kung anong ngiti at pang-aasar ang mga sinasabi niya.

'Yung death aniversarry ng mga magulang ko ay unang simba ko ng maaga duon kasama si Lola. Na hanggang ngayon ay nagsisimba na ako ng maaga. Ganon din ang pwesto namin dahil parang naka sitting-arrangement ang mga naka-upo duon.

Inaaya na din ni Lola si Danjin na mag-almusal sa bahay pagtapos mag-simba. Sa una tumatanggi pero dahil sa pang-aasar ko sa kaniya ay na papayag siya.

Oo nailalabas ko na sa kaniya 'yung totoong ako. Dahil isang araw napa-isip ako na baka pag-nilabas ko ang totoong ugali ko ay ilabas niya rin ang kaniya. Pero hindi ganon ang nangyari at nawiwirduhan pa rin ako sa kaniya. Dahil nasasabi ko na lang sa sarili ko na ano kaya nakain nito?

"Danjin apo, pwede ba kayo lumabas ni Julian mamaya?" Nakangiting sabi ni Lola sa kaniya habag hawak pa ang baso ng kape.

Nasa may sala kami ngayon nag-aalmusal galing sa simbahan. At oo apo na rin ang tawag ni Lola sa kaniya. Mas naging masaya si Lola simula ng napapadaan na lagi dito si Danjin.

"Lo--la, naman." Pagpipigil ko na may laman pang pagkain bibig ko.

Tumingin sakin si Danjin na parang sinasabi na bakit ako umaangal. Kaya pinagsalubungan ko siya ng kilay pero binaling agad ang tingin kay Lola habang ngumunguya pa.

"Sige po Lola." Pagsang-ayon niya matapos lunukin ang huling sinubo niya.

Malakas nga talaga siya kumain na kahit almusal pa lang. Kaya tuwa-tuwa sa kaniya si Lola dahil unang-una, ayaw ni Lola na mahiyain pag dating sa kainan. Kaya nga lagi niya pinapapunta dito sila Jeh dahil lamon kung lamon.

"Julian apo, narinig mo ba yon? Kaya kung may alis kang iba ngayon, ipasusunod na araw mo na lang." Nakangiting pagbabanta ni Lola sakin.

ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon