Falling Leaves

870 17 0
                                    

Hate ko ang sunset. Bakit? Kasi malungkot. Malungkot lalo na kung ganitong nagdidilim ang langit. Langit kung saan ako nakatingala at naiipon ang mga ulap. Ulap na lalong nagdadagdag ng lungkot. Lungkot na ayokong nararamdaman.

Ah, pakiramdam. Paano ba dapat pigilan ang pakiramdam? Lahat ng tao ba ay dapat makaramdam? May mga tao ba na walang pakiramdam? Ang alam ko wala. Ang meron ay taong itinatago ang totoong nararamdaman.

O eh ano naman ang manhid? Walang pakiramdam? O may pakiramdam na pilit lang pinapatay dahil ayaw nang masaktan?

Hindi ko alam at ayokong alamin.

Ayoko lang nang ganitong moment. Nalulungkot ako. Kung dahil sa pagbaba ng araw o sa nagdidilim na paligid, hindi ko alam. Ang alam ko lang hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam.

Naglakad ako. Mahangin at may mga tuyong dahon na nahuhulog. Napatingin ako sa mga tuyong dahon na walang kalaban-laban sa hangin. Bumagsak na lang sa kalsadang dadaanan ko. At sa pag-ihip pa ng hangin, tinatangay pa ang mga nahulog na tuyong dahon.

Walang kakayahan ang mga dahon na labanan ang hangin. Tatangayin ang mga tuyong dahon sa kung saan. Sa hindi pamilyar na lugar. Walang pagpipilian ang mga dahon kundi magpatangay.

Naisip ko bigla ang mahihinang tao at ang makapangyarihan.

Ang taong makapangyarihan ay ang hangin.

Ang taong mahihina ay mga dahon.

Parang ang seryoso 'di ba?

Kaya naisip ko, kung may dahon at hangin sino naman ang katapat ng walis?

Ikaw ba? Ako? O sila?

Iisipin ko pa.



Stop. Look. WriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon