Invisble

8 1 0
                                    

Invisible

"Mahirap maghabol. Lalo na kung yung taong hinahabol mo ay ayaw pahabol."

-
"Wooooooh!!!" Napuno ng sigawan ang buong school quadrangle dahil nakapuntos si Angelico. Syempre kasama ako sa mga sumigaw. Hahaha ako pa ba?

"Go Angelico!!! Go Sexy! Go Sexy! Go Sexy, sexy love!!!" Nagtago agad ako para di niya ako makita. Nakakahiya kaya. Hahaha

Siya si Angelico. Transferee lang siya dito. Pero naging volleyball player kaagad siya ng department namin. Proud admirer here! Hahaha

Oo na. Ako na talaga. Ako na ang patay na patay sa kanya. Hihi
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Sobrang gwapo niya tapos ang puti pa niya. Mas maputi pa nga siya sakin eh. Tapos matalino pa siya and athlete pa. San ka pa?

Nakalimutan ko nga palang magpakilala. My name's Angelica. Odiba? Destined ata kami eh. Char!

Mass Communication student ako samantalang Education student naman siya major in English kaya medyo related ang course namin.

Crush na crush ko siya. Hindi ko nga alam kung crush pa ba ito. Hindi ko alam kung inlove na ba ako sa kanya. Gusto ko siya. Gustong-gusto. Mahal ko na nga yata siya eh.

Pero di naman niya ako kilala eh. Hays. Di naman niya ako napapansin.

May seminar-workshop kami ngayon about journalism and such. At di ko ineexpect na nandito pala siya. Kasama siya dito. Omg!!! Makita ko lang siya nagba-blush na kaagad ako. Oa lang? Hahahaha

Binigyan kami ng nametags. Yung color ng nametag is color ng group mo. So bale, white ang color nung akin. Wala akong kaparehas sa mga classmates ko. Sad.

Pumunta na ako sa group ko. At omg! Kagroup ko si Angelico!!!! Sabi na eh destiny kami. Hahahaha
"Omg! Omg! Kagroup natin siya!!! Crush ko yan!" Bulong ko sa kakilala ko na si Alvin. With matching kurot at hampas pa yan. Enebe kinikilig ako eh. Hahaha

"Kuya Angelico" Nagulat ako kasi tinawag niya si Angelico. Napatingin sa kanya si Angelico. Omg. Anong gagawin ni Alvin?!

"Si Ate Angelica pala. Ate, si Angelico." Lecheeee!!! Nakakahiya! Baka isipan niya na may gusto ako sa kanya. Kaasar naman 'tong si Alvin! Pinapahamak ako!

Ngumiti ako kay Angelico pero tinignan niya lang ako. Ouch. Masakit yun ah. Grabe lang. Di man lang siya nag-smile back. Hue.

Buong araw tuloy matamlay ako. Di ko nga ginagawa yung mga activity na binibigay. Ako yung inuutusan ng mga kasama ko na gumawa kasi MassCom daw ako kaya ako ang may alam pero di ko na lang sila pinansin. Bahala sila! Hmp!

Si Angelico ang umako ng lahat. Well, dapat lang! Joke. Hahaha pinapacheck naman sakin ng groupmates ko yung gawa ni Angelico. At bongga! Ganda ng sulat niya ah. Hahaha tapos pag nagsalita siya, ang soft ng voice niya. Parang babae lang. Itinago ko yung papel na pinagsulatan niya. Hehe remembrance lang. Hahahaha

Introvert ata siya eh kasi naman lagi siyang mag-isa kapag nakikita ko siya. Di nga rin siya nag-smile. Laging naka-poker face lang.

Isang taon na. Isang taon na ang lumipas pero siya pa rin talaga. Mahal ko na yata siya. Ewan. Sa loob ng isang taon na iyon, marami pa akong nalaman sa kanya.

Kung saan siya nakatira, saan school siya galing, kung ilang taon na siya. Okay lang naman na mas matanda siya sakin kaso...

Masakit malaman na may girlfriend na pala siya. Maganda siya. Alam kong mahal na mahal nila ang isa't-isa. Anniversary nga nila kahapon eh. At alam niyo ba kung ano yung mas masakit, yung harap-harapan mo silang makita na sobrang sweet.

Compilation of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon