One Sided

5 1 0
                                    

One Sided

"Masakit makita yung taong mahal mo kasama yung taong mahal niya na mahal din siya."
-

Gusto ko nang mag-move on. Ayoko na. Ayoko na talaga. Ang sakit sakit na.

Pero paano ako magmo-move on kung di naman naging kami?

Ahy ang tanga ko. Di pala kami no? Tapos kung makapag-emote ako dito parang naging boyfriend ko siya. Ang oa ko pala. Hahahaha

Eh kaseee masakit kahit ganun lang. Sobrang sakit.

Carl Gonzales.

Ano bang ginawa mo sakin?

Okay naman eh. Kapag nakikita kita, kinikilig ako.

Kapag nakakasalubong kita, kinikilig pa rin ako.

Makita lang kita buo na araw ko.

Pero sa tuwing nakikita ko ang pictures niyo na girlfriend mo, bumabalik ako sa realidad na may nagmamay-ari na pala sayo.

Masakit eh. Kahit sabihin ko na crush lang kita, sinasabi ng puso ko na mas higit pa doon.

Mahal na yata talaga kita.

Pero alam ko naman na walang patutunguhan to kasi nakikita ko kung gaano mo kamahal yung girlfriend mo.

*
Nag-scroll lang ako sa Instagram.

Tapos may nakita akong picture na kaka-upload lang nung girlfriend ni Carl.

Oo na. Ako na dakilang stalker. Masisisi niyo ba ako? Eh gusto ko si Carl kaya gusto ko malaman lahat ng tungkol sa kanya.

Yung picture is screenshot ng convo nila.
AaMyFiance
Yan ang pangalan ni Carl sa phone ng gf niya.

Oo nakakaselos. Pero wala akong karapatan.

Eto yung convo nila.

AahMyFiance
Tatlo pa lang ang naging girlfriend ko. Si Jane, medyo tumagal din kami. Maganda siya. Si Louisa, maganda rin yun eh at tumagal din kami. After niya wala na. Tapos dumating ka, ikaw ang third at last na magiging girlfriend ko. Melody Dela Cruz, siya yung pinakamaganda sa lahat.

Melody
Awwww arte moo. Hahahaha I love you.

AahMyFiance
I love you too asawa ko.

Masakit. Sakit sa mata. Grabe na ito.

Isang gabi, narealize ko lahat lahat. Lahat ng tungkol sa kanya. Lahat.

At napagtanto ko na wala na talagang pag-asa.

Walang pag-asa na maging kami.

Haaays.

Kaya nung gabi na din yun, pinalitan ko ang wallpaper ng phone ko. Picture kasi namin yung wallpaper ko. Pero pinalitan ko na.

Pinalitan ko na rin lahat ng pictures namin sa mga account ko.

Pati yung wallpaper sa messages ko pinalitan ko na.

Ayoko nang umasa dahil wala naman akong aasahan.

Nagtext ako sa classmate ko, si Nicole.

Me
Hooooy!!! May problema akooo!!!

Nicole
Oh? Ano yun?

Me
May sakit ako. :(

Nicole
Awww so di ka makakapasok bukas? Anong sakit mo?

Me
Masakit puso ko... Hahahahaha goodnight!

Ganyan ang epekto ng broken hearted. Hahaha hay nako.

*
Lumipas ang New Year, tapos na ang bakasyon. May pasok na ulit. Grabe naman. Ayoko pa pumasok. Hue

"No more Carl this year please." Bulong ko sa sarili ko.

Okay naman ang balik klase kaso nakakatamad pag sobrang haba ng vacant time mo at wala kang mapuntahan.

Nagstay lang kami nina Faye at Nicko dito sa room.

"Nagugutom ako. Tara bili tayo." Aya ko kay Faye

"Sige. Dito ka muna Nicko para may magbantay ng gamit natin."

Pagpunta namin sa canteen bumili na kami ng pagkain.

"Omg! Si Carl yun oh." Sabi ko kay Faye.

"Onga. Bumibili din siya." Tinignan niya rin si Carl.

"Sabi ko no more Carl eh. Nag momove-on na ako. Hahaha" Tinawanan lang din ako ni Faye. Bad.

"Andyan pa ba siya? Okay. Sige. One last look. Last na talaga 'to." Tinaasan lang ako ng kilay ni Faye.

*
After nung encounter kanina sa canteen, nakita ko na naman siya sa court. May volleyball game kasi. Kasali siya sa team kaya support lang ang ginawa ng boys kasi girls ang may laro. Hay nako naman.

*
Last subject ko na, gabi na. Seven na, nakita ko ulit si Carl. May class din pala siya nang gantong oras? Beyern! Ano ba! Ba't ko ba siya ilang beses na nakita today?! Nakakakota na ako! Hahahaha

In the end of the day, alam ko nangangarap lang ako. I can't be his girl because he already have one.

All I need to do now is to focus on my studies.

Wala nang pag-asa na mapansin niya pa ako. Wala.


-
Happy New Year! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon