Chapter 2

7 1 0
                                    

Wala akong ganang kumain kaya heto ako ngayon nakahiga sa kama ko..wala din naman kasi akong assignment ..
di mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina sino ba ang lalaking yun?ano bang kailangan niya sakin.

2:35 a.m. na pero d parin ako makatulog naisipan kong magpahangin binuksan ko ang bintana at bumungad sakin ang liwanag ng buwan ang gandang tingnan wala kasing masyadong ulap kaya kita ko ang mga bituin.Ang ganda talaga..

"Thryx"may narinig akong napaka pamilyar boses na tinatawag ang pangalan ko

"Baka nasundan ako ng lalaking yun naku naman ano bang problema niya.."may bumato sakin buti na lang naiwasan ko kung hindi talagang headshot ako tumingin ako sa direksyon kung saan nag galing ang batong binato sakin..

Heto nanaman ang lalaking sumusunod sakin
Sa sobrang pag kainis ko sa kanya bumaba ako ng kwarto at dahandahang lumabas ng bahay para pag sabihan siya.

Kumuha ako ng walis para kung sakaling may gawin siyang masama sakin ay may panglaban ako

Medyu malayo siya sakin ok nayun para safe ..

"Ano bang problema mo? Bakit muko sinusundan?Pwedi ba tumigil kana sa trip mong yan?Hindi na kasi nakakatuwa."sabi ko sa kanya

"Ako to si Saebryx ako ang kasintahan mo sa Vivlangka halika sumama ka sakin uuwi na tayo dun hinihintay kana nila"sagot nya sakin

"Nila? Sinong sila at saan mu naman inimbento ang Vivlangka?"..naiiritang sabi ko sa kanya.

"Ang mga Vivla sila ang mga mamamayan ng Vivlangka sila ang pinamumunuan mu.."sagot niya

"Ewan ko sayo sasusunod na makita pa kitang sumusunod sakin ipapahuli na kita sa mga police umuwi kana nga!" Pagkatapos kong sabihin yun pumasok na ako sa bahay at bumalik sa kwarto ko..

Ano ba tong pinagsasabi ng Saebryx nato may tama ba to sa pag iisip? Vivlangka at Vivla? Saan niya naman napulot ang mga salitang yun?
.
.
.
.
.
"Thryx gumising kana malelate kana"

"Si mama talaga..ang aga panga" tumingin ako sa orasan ko at mag e 8:00 na pala "oh my malelate naku!!!!"

Dali dali na akong naligo,nagbihis at kumain..

"Bye ma alis napo ako"pagpapaalam ko kay mama..

Saebryx POV

Talaga nang nakalimutan na nya ako at ang Vivlangka.

Totoo nga ang sabi ni Reyna Marvia na pagnawala na ang kapangyarigan ng isang Vivla nabubura ang ala ala nya tungkol sa mundo ng mahika.

Pero di ako nawawalan ng pag asa nababallik ang ala ala niya na babalik din siya sa mundo namin nababalik siya sakin.

Heto ako ngayun inaabangan ko siya sa tinatawag ng mga tao na school.
Halos lahat nang nakikita kong tao ay may hawak na bagay parihaba ito at pinipindot nila minsan ngumingiti sila dito minsan naman itinatapat nila sa mga tenga nila. Ang iba naman ay may nakakabit na parang lubid sa mga tenga nila.

Kakaiba ang tenga ng mga tao kaysa saming mga vivla yung sa amin kasi mala tatsulok.Kakaiba din ang pananamit nila ang iikli at parang di kumportabling suotin.

Nasa gitna ako ngayon ng tinatawag nilang kalsada at ang daming dumaaan na maiingay at umuusok na mga tinatawag nilang sasakyan at sumasakay sila dito minsan may inaabot sila sa mga taong nakaupo sa unahan ng sasakyan matutulin ang pag takbo ng mga ito.
Nakita ko si Thryx na naglalakad kaya tinawag ko siya.

"Thryx mahal ko!! Nandito ako!!"sigaw ko sakanya ang ganda talaga ng kasintahan ko tumingin siya sa direksyon ko may sinisigaw siya pero di ko marinig dahil sa ingay ng mga sinasakyan ng mga tao.

Thryx POV

Ano bang ginagawa ni Saebryx sa gitna ng kalsada?Gusto nya bang mag pakamatay naku naman oh.

Tinawag niya pa akong mahal hay naku ang lakas ng tama niya.

"Umalis kanga dyan dilikado dyan baka masagasaan ka!!"sigaw ko sa kanya pero parang di niya narinig nakita ko ang isang bus na mabilis ang takbo at papunta ito sa direksyon ni Saebryx

Napapikit nalang ako ayokong makita kung pano siya masagasaan.

Ilang sigundo ang lumipas pero wala akong narinig na aksidenti idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Saebryx na malayang nag lalakad sa kalsada at di sya na sasagasaan ng mga nagmamadaling sasakyan nilalampasan lang siya ng mga ito..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Mysterious PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon