Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko, katulad nalang ng bakit nga ba ako ganito?, bakit nga ba may mga bagay na mali sa paningin ng iba?, bakit nga ba wala tayong pagkakaiba? Bakit nga ba? Bakit ba? Ugh ang sakit nila sa ulo. Minsan ayoko ng itanong sa sarili ko kung bakit nga ba ganoon, bakit nga ba ganyan pero 'di ko maiwasan kasi marami pa akong gustong malaman sa buhay.
"Marco, Marco" may tumatawag sa pangalan ko habang patawid ako.
"Marco, intayin mo nga kami" sigaw ni Hannah "Ito na yung yearbook mo, yung iyo nalang yung naiwan dun sa office kaya kinuha ko na. Ayan na ah." Tsaka inabot niya sakin yung yearbook ko. Pagkaabot ni Hannah sakin ng yearbook sinabayan niya na ko sa paglalakad papunta sa meeting place naming magbabarkada malapit sa isang mall.
Pagpasok namin sa meeting place ng barkada, kaming dalawa ng lang pala ang iniintay nila para makakain na at inorder na pala nila kami ng favorite namin. Habang kumakain napatanong ako sa barkada. "Bakit ba ang daming bitter at laging sinasabi na WALANG FOREVER ?" Napatingin tuloy sila sakin ng masama. "Bakit masama bang magtanong?" Bigla kong nabanggit.
"Hindi naman" sagot ni Gabriel "Nabigla lang kami sa tanong mo na unusual". Bigla silang nagtawanan.
"Nako Marco, pumapag-ibig ka na ata ah" sabi ni Joyce.
"Oo nga, sino ba yang pinipintig ng puso mo Marco?" Dagdag naman ni Jomar.Kalagitnaan ng trip nila sakin si Hannah ay tahimik at parang may gustong sabihin na ayaw niya namang sabihin. Hindi siya ganyan, diretsa siyang magsabi ng gusto niyang sabihin kaya tinanong ko siya.
"Ang tahimik mo yata?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya kaya hindi ko na siya kinulit.
Kaya siguro nila ako inaasar kasi ako yung tipo ng lalake na ang kilala ko lang na babae ay si Hannah at si Joyce in short babae lang sa barkada ang kaclose ko at kinukulong ko ang sarili ko sa barkada lang at wala ng iba pang kaibigan. Nagulat sila dahil wala talaga sa bokabularyo ko ang salitang "pag-ibig", wala akong ibang iniisip at inaasikaso kung hindi ang pag-aaral lang.
Pagkatapos naming kumain tumambay muna kami sa park na may malinis na sapa. Gustong gusto kong pumupunta dito kasi nakakapag unwind ako dito. Nauubos yung stress ko dito kasi lahat ng bagay dito gumagana ng matiwasay at walang harsh movement. Nakakarefresh lang talaga siguro yung scene kaya gusto ko dito. Isang bagay lang ang ayoko dito sa lugar na to, ito yung mga magsyotang naglalambingan diyan sa tabi-tabi. Hindi ba sila nandidiring pagtinginan ng mga taong nakapaligid sa kanila? Wala ba silang paki kahit na yung privacy nila nawawala na? Bakit ba gustong gusto nila na pinagsisigawan na mahal nila yung syota nila kahit na wala namang kasiguraduhan yung kinabukasan nila?
"Umuwi na tayo, ang sakit sa mata nung mga naglalampungan eh." Biglang sinabi ni Gabriel.
Iyon ang pinaka ayaw naming magbabarkada ang mga PDA.
BINABASA MO ANG
Bakit Nga Ba?
RandomSa buhay madaming tanong na napakahirap sagutin, Pero kadalasan ang sagot nasa tabi-tabi lang at hindi natin napapansin. Ito ay kwento ng isang lalaking gustong masagot ang lahat ng katanungang gumugulo sa isipan niya. Bakit nga ba kasi kailangan p...