The Reality

3 0 0
                                    


Lahat tayo naging fangirl na sa kahit kaninong artist tulad na lang ng aldub, Kathniel, Lizquen, Jadine, One Direction, EXO, BTS, BIGBANG, SNSD, GOT7,2ne1,Super Junior atb.


Kaya naman alam nyo yung pakiramdam ng isang fangirl at buhay fangirl......


Ako Kasi simula pa noon fangirl na talaga ako simula ata pinanganak ako fangirl na ako.. Echos lang O.A na yun HAHAHAAH (^O^)


Ang pagiging fangirl ay hindi ganun kadali, Bakit? Iisa-isahin natin kung bakit. ^^


1. kailangan lagi kang update sa buhay at events ng idol mo kaya naman minsan kahit nasa school ka at nagtuturo ang Professor o teacher mo ang utak mo wala talaga sa loob ng klase, ayun naglalakbay sa kalawakan hinahanap kung nasaan ang puso ni bias.


2. Sa mga homeworks or projects mo mas matagal pa paglalagi mo sa twitter, facebook at instagram dahil sa tinatawag na "SPAZZING". Kaya imbis na matapos ng maaga sa pag-gawa inaabot ka na ng umaga. 


3. Nagkakaubusan ng pera. Tuwing bibili ka ng merchandise ng bias mo saka naman maglalabas ng panibago kaya dun mo matututunan ang mag-ipon pero lahat ng yun mawawala sa isang bilihan. XD


4. Ang pagda-diet ay natural. Tulad ng sabi ko lahat ng fangirl nag-iipon kaya kahit pang-kain lang kailangan tipirin lalo na kung malapit na concert nila bias. (ex. Exoluxion)


at ang huli


5. Ang magselos sa mga babaeng nakakasama o nakakarelasyon ni bias pero wala kang karapatang magalit dahil sa isa ka lang hamak na "FANGIRL"....


alam natin mga fangirl ang pakiramdam na yan, kahit anong gawin natin isa lang tayo sa mga fans na nakikita nila tuwing may concert o fanmeeting.


Aminin na natin na in reality tuwing sasabihin nila na "All of them are my girlfriends" ibig sabihin hindi lang ikaw ang tinutukoy nya kundi lahat ng fans nya dahil hindi naman nya sinabi ang pangalan mo, kundi lahat kayo/tayo kaya nga may salitang "ALL".



Pero kahit ganun nangangarap pa rin tayo na maging close kay bias, pero kung dumating ba yun magiging masaya na ba agad kayo? Kung wala namang happy ending sa reality?!?!








mahirap talaga ang maging fangirl pero kahit na ganun may masayang bahagi naman ito. Tulad ng


1. Natuto tayong magpahalaga ng isang tao at kahit hindi naman sila ganun kalapit sa atin naitrato natin sila bilang isang napakahalagang bagay na kailangan supportahan at proteksyonan.

2. Natuto tayong makihalubilo sa ibang tao. Kahit na foreigner man sya o hindi hanggat pareho kayo ng bias or bias group nagkakasundo agad.

3. Natuto tayong mangarap. Tulad na lang ng iba na nagsisikap mag-aral para sa ambisyong pumunta ng South Korea at maka-attend man lang sa live performances ni bias sa iba't ibang station.

4. Nakakaiwas tayo sa masasamang bisyo. Isa lang naman ang bisyo natin ang abs ni bias joke xD. 

4. Nailabas natina ng sarili nating mga talento at pagtaas ng self-confidence. Diba? ^u^

5. Natuto tayong tumanggap ng mga bagay na alam nating hindi talaga para sa atin or naging open-minded tayo sa reality.






Kaya kahit na isa lamang tayong hamak ng "FANGIRL", at hindi kilala ni bias, mahalaga pa rin tayo sa kanila kaya pagod at puyat na ang mga bias natin tina-try pa rin nilang ngumiti at wag pag-papaalalahanin dahil para sa mga IDOLs natin

"THEY WANT THEIR FANS TO BE HAPPY!!" ^^




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A fangirls feelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon