Nanakit ang ulo na napaungol si Orestes at bumiling pakanan habang nakahiga siya sa king-sized bed niya. But then he almost jumped out of bed when he bumped into the sleeping woman beside him. Ngunit dagli rin siyang huminto sa paggalaw nang umungol ang babae at nagsumiksik sa tagiliran niya.
'Please don't wake up, please don't wake up,' piping pagsamo niya habang nakabitin sa ere ang mga braso.
Tila pinagbigyan naman siya ng babae dahil nagpatuloy nga ito sa mahinang paghilik. Hindi na niya kailangang itaas pa ang kumot na nakabalot sa kanilang dalawa para malaman niyang pareho silang may suot na mga damit. Bagamat nakakalas na ang butones ng slacks niya ay nakataas naman ang zipper niyon. Suot pa rin niya ang puting polo niya bagamat nakakalas na ang tatlong butones niyon. Habang ang babae naman ay suot pa rin ang light pink dress nito.
Ang huling bagay na natatandaan niya kagabi ay pinipigilan niya ang babae sa plano nitong laklakin ang buong bote ng champagne na inumit nito mula sa wedding reception na dinaluhan nila. Imposible namang pati siya ay nalasing kagabi dahil hindi naman siya uminom.
Pero kung ganoon nga ay bakit parang wala siyang natatandaang humiga siya sa kama niya kasama ang babae? What did this crazy woman do to him? Sa isiping iyon ay muntik nang mapahagalpak ng tawa si Orestes. Pero pinigilan niya dahil ayaw niyang maggising ang babaeng katabi sa kama. Sa ibang pagkakataon siguro ay hindi siya matataranta kung may magigisnang babae sa kama niya paggising niya. He'd probably just turn over and start his day the same way he ended his night, making the woman scream his name in delight.
Subalit imposibleng niyang gawin iyon sa partikular na babaeng katabi niya ngayon. Not because he didn't want to but because she'd probably bust his balls for trying to do it. At wala siyang balak tuldukan ang pag-asa niyang maging ama. Lalo pa at nakita na niya ang magiging ina ng mga magiging anak niya. Walang iba kung hindi ang mismong dalagang katabi niya ngayon sa kama. The only problem now is how could he convince this crazy, wonderful, ball-busting woman to take a chance on him?
BINABASA MO ANG
Broken Hearts Trilogy 3-Heal This Broken Heart(published under Precious Hearts Romances)
RomanceHow do you heal a broken heart? Sagot ni Orestes kay Lilybeth? Fall in love with me!