Fairy Tale ata

26 1 2
                                    

Noong umpisa parang fairy tale, bagong mundo, bagong mga tao. Tapos sinampal ako ni mr.reality, "Asa ka? Hindi madali dito lalo na't mag-isa ka." Bigla na lang natapos ang isang araw, nagkaroon ako ng apat na babae. Pangalawang araw, iniwan ako nung isa, sinamahan sya nung tatlo, ayun balik na naman ako sa mag-isa. Ay hindi pala, sumama ako sa lahat ng mga grupo, masaya, pero at the end of the day wala ka pa rin kasama.

Isang araw basta na lang ako naligaw sa kanila, pitong lalake? lalake nga ba? basta bigla na lang.

Lumapit ako at hindi naman nagsasalita, sila rin hindi. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko sa mga bahay, parang ampon ng mga pamilya nila. Pagkatapos lumalim na ng lumalim, ewan, bigla na lang. Sa pangatlo at pang-apat (huling araw) na araw namin, tuloy tuloy lang ang galawan at salitaan. Madalas walang saysay, minsan malalimang usapan ang nagaganap. Hanggang sa dulo, nung matapos na ang apat na araw na paglalakbay, nakita na lang namin ang aming mga sariling magkakasama, magkakahawak ng kamay.

Sa ngayon, hawak pa rin namin ang kamay ng bawat isa. At sana, walang bibitaw, lalo na ng bigla na lang. 

Bigla na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon