The Campus Nerd is The Lost Heiress of the Most Powerful Group of Company WW

128 1 0
                                    


***************************************************************************************


"Mom, where are we going?" masayang tanong ng batang babae.

"Sweetie, we are going to your favorite place." Nakangiting sagot ng ina.

"Yehey! Thanks Mom and Dad!" sabi ng bata habang patalon-talon sa tuwa sa upu-ang likuran ng sasakyan.

Sa higit isang taon, ngayon lang sila nagkakasama ulit nang dahil na rin sa pagiging busy sa trabaho ng kanyang mga magulang lalo na at nasa ibang bansa ito naka-base.

Pagkababa nila agad naman tumakbo sa swinging area ang bata...

"Sweetie, anak, don't go somewhere without us, okay? Stay where you are para hindi ka mawala sa paningin namin, ah?" pasigaw na babala ng ina sa bata. 

"Opo!" masayang sagot naman ng anak.


***************************************************************************************


"Hon, kakayanin ba ng anak natin sa takda ng panahon? Paano kung ayaw niya? Paano kung mabigla siya? Paano ba natin sasabihin sa kanya?" nag-alalang tanong ng kanyang asawa.

"Hon, may tiwala ako at lalo na may angking talino ang anak natin at alam ko sa takdang panahon maiintindihan at matatanggap niya rin ito. Hinding-hindi niya tayo bibiguin. Kaya wag ka nang mag-alala, Mahal." sabay halik sa noo ng kanyang asawa.

"Sana.. sana.. Ang pinag-aalala ko lang baka sa takdang panahon may mangyari sa anak natin.lungkot at pag-alala ang nasa mga mukha ng mag-asawa sabay yakap sa isa't isa.


***************************************************************************************

*Ring* *Ring* *Ring*

"Yes?"

"What is it?"

"What?! Wie ist es passiert??" (How did it happen?)

"Hon, who called you? What did he say? What happened?" nag-alalang sunod-sunod na tanong ng kaniyang asawa.

Bagkus ay tumingin lang ito sa kanya. At may sinasabi sa kabilang linya at binaba na ito.

"Ok. ist es Zeit, damit wir gehen." (Okay. it's time for us to leave.)

"Ano bang nangyari? Marcos! Tell me!" Nagpa-panic na tanong sa kaniya.

"I don't have time to explain, Hon. As soon as possible makakalayo tayo dito."

"Hon, paano ang anak natin? Hindi pa siya nagkaroon ng matagal na oras na kasama tayo?"

"Hon" hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi. "We have to get out of here. Nasundan nila tayo baka mapaano ang anak natin. Alam na nila na umuwi tayo sa Pinas at by this time, alam na nila kung nasaan tayo ngayon. Kailangan natin mailayo ang anak natin bago ang posibleng mangyari. Naiintindihan mo ba ako?" tinitignan niya ang mga mata neto at tumango, senyales na walang paligoy-ligoy.

"Okay hon." Mangiyak-iyak niyang sagot sa asawa habang nilalakasan niya ang loob. (Ito na ba ang sinasabi ko. Malalaman at malalaman din nila kung nasaan kami kahit ginawa namin ang makakaya para makapagtago. Mahahanap at mahahanap pa rin kami.)

"Baby, stop playing na. We're going home na." sabi niya sa kanyang anak.

"But mom." malungkot na tutol ng kanyang anak.

"Sweetie, please bear with us, okay? It's not safe to play this time."

"Okay mom."

At agad silang pumasok sa sasakyan...

Habang nasa kalagitnaan na ng daan sa kalagitnaan na mapuno na kalsada, napansin ng asawang lalaki sa side mirror na may isang truck na nasa kabilang lane ng kalsada na parang gusto makipag karerahan sa kanila. Subalit hindi nila alam, isa pala itong bitag. Habang iniiwasan ni Marcos itong truck lalo tuloy itong nagiging agresibo. Pilit binabangga ang sinasakyan nila hanggang sa...


"MARCOOOOOOS!"


**************************************************************************************

The Campus Nerd is The Lost EmpressWhere stories live. Discover now