"Cartlon, De Valle"
WHAT? LIKE WHAT. TERROR YAN. I MEAN NO. EH KASI NAMAN. AUSTIN DE VALLE? MR. KNOW EVERYTHING. EH KUNG IPAPARTNER AKO DIYAN...
Napatayo ako.
"Sir, puwede po bang sa iba nalang?" suggestion ko.
"Oh sige. Ikaw gumawa ng grades ng buong klase na 'to," nagsitawanan sila.
"Gusto mo palang gumawa ng sariling partners, edi gumawa ka ng sarili mong klase." hindi sila natigil. Hindi ba nila alam na hiyang hiya na ako.
PUWEDE NA AKONG LAMUNIN NG LUPA.
Napatingin ako kay De Valle na nakaupo ng pagka-cool cool. Nagkatinginan kami nung tumingin din siya sa akin. Nakangisi siya.
Hehehehehehehehehe. Pinipigilan ko talaga 'yung inner goddess ko. Pagka talaga nasapak ko 'yan ng wala sa oras.
Nagsimula na ulit si Sir Anton magbanggit ng mga surnames na magiging magkapartner para sa reporting namin tungkol sa greek myth.
Umupo nalang ulit ako dahil wala naman akong mapapala.
"Arte mo talaga Rina, si Austin na 'yan. Student council president slash Mr. Heart throb slash hunk slash smart guy--"
"Alam mo Clare, kung hindi ka pa titigil sa pagpuri kay De Valle, lumayo layo ka na sa akin dahil baka masapak kita ng wala sa oras. Nagiinit ang dugo ko."
"Okay, okay take it easy, pero pogi talaga siya. Sadyang malabo lang ba talaga mata mo at hindi ka magkagusto gusto or crush man lang sa kaniya. Dapat pala ikaw nalang 'tong nakasalamin instead of him--" tinaas ko na yung kamao ko.
"'Di ka titigil?"
"Sabi ko nga." napaayos siya ng upo. Napaubob nalang ako sa kinauupuan ko. Ugh.
"Class, attention please," hindi ko pa din inangat yung ulo ko.
"Magkakasunod sunod 'yung mga binanggit ko gaya ng mga lessons na nasa libro. See the book for your reports. Atsaka,"
"Two partners per day ang magrereport. We will start next week. Long weekend na 'to, siguro mapaghahandaan niyo naman 'yan ng mabusisi? Class dismissed."
Hindi halatang hindi niya kami pinahihirapan makakuha ng mataas na mark?
English ang huling subject. At hindi ko alam kung ba't kasama itong greek myth sa english namin, siguro walang mapagtripan si Sir. 'Di, joke lang. Hehe.
Kinuha ko 'yung english book ko at tiningnan kung ano irereport.
"Psyche and Cupid?!?!?!" WTAF.
Nagulantang 'yung mga classmate kong nagliligpit na ng kani-kanilang gamit.
"Problema nito ni Cartlon?"
"Sorry." I bowed my head as a sign of an apology.
"Czarina, una na ako. Gawa pa kami report." sabi ni Clare.
Hinanap ng paningin ko si De Valle kaso hindi ko na siya makita. Nauna na ata. Walanghiya talaga 'yung lalakeng 'yun? Nakita niya ngang third day reporter kami.
O sige iwan na nila akong lahat.
Lumabas na ako ng room at naglakad sa hallway. Sumilip ako sa bintana. Nakaaninag ako ng aninong nakatayo sa may gate.
Nang makababa ako ay agad kong sinilip kung sino mang tao 'yung nasa gate.
Si De Valle.
Nakasandal siya sa pader, with his hands on his pockets. The wind blew his natural brown hair: it has loose curls. His head was tilted up. 'Di ko makita 'yung mga mata niya kasi nagrereflect 'yung brightness sa salamin niya. I could see his Adam's apple. I shivered.