Prologue

13 2 0
                                    

Naghihiyawan ang mga audience sa loob ng Hall of Fame Stadium, ang pinakamalaking stadium sa Asya. Dito kasalukuyang ginaganap ang auditions para sa HipHop International 2015, ang pinakasikat na dancing competition sa buong mundo.

"Chief, ang daming tao. Hindi ko mahanap ang target. Nakatago din ang aura nito." Sabi ni Agent Tigress gamit ang mini-communication device na naka-install sa tenga ng bawat myembro ng kanilang team.

"Okay team, kailangan nating gamitin ang emergency plan." Utos ni Martina, ang commander-in-chief ng The Masquerade, isang sikretong samahan ng labin-tatlong babaeng secret agents.

"Emergency plan? Pero Chief, wala tayong napagplanuhang emergency plan." Naguguluhang sabi ni Agent Healer.

"That's why it's called an emergency plan. Now, magkita-kita tayo sa stage in thirty seconds. Doon, mas makikita natin ang target ng mas maayos since nasa center ng stadium ang stage." Pagpapaliwanag ni Martina.

"Stage? Pero Chief, ang mga nag-o-audition lang para sa dance competition ang pwedeng pumunta sa stage." Nag-voice over si Agent Raven gamit din ang communication device sa kanyang tenga.

"Exactly. Kaya isuot niyo na ang mga maskara niyo. Pupunta tayo sa stage para mag-audition."

"What?/Ano?"

Saba-sabay na nagreact ang mga agents sa utos ni Martina.

"Paano tayo mag-o-audition kung wala naman tayong na-practice? Hindi ako pupunta sa stage at lalong hindi ko ipapahiya ang sarili ko." Reklamo ni Agent Skull.

"Kahit kailan talaga ang arte mo no? Naka-maskara naman tayo kaya walang kaso kung magmumukha tayong ewan na sasayaw sa gitna." Pambabara ni Agent Aqua kay Agent Skull.

"He'to na naman sila." Napabuntong hininga na lang si Agent Electra. Hindi na kasi bago para sa kanya ang pagtatalo ng dalawa.

"Basta ako, okay lang sakin, Chief. Basta ba pwede kong iuwi yung gwapong judge." Napahagikhik si Agent Decoy na parang kinikilig.

"Uh Chief, naka-disguise kaya tayo ngayon. Hindi tayo pare-pareho ng suot. Can we change outfits first?" Puna naman ni Agent Queen, hanggang sa ganitong pagkakataon talaga ay fashion pa rin ang nasa isip nito.

"Stop it! I command you, stop it!" Iritang saway ni Martina sa kanyang mga agents.

Tumahimik naman ang mga ito.

"Now, makinig kayo. Three minutes ang performance at habang nagpe-perform tayo, Agent Eagle and Agent Ultra kayo na ang bahala sa target. Agent Enchanter, gumamit ka ng spell para makapagperform tayo ng maayos. Agent Asassin, get ready with the explotions. Lastly, Agent Tigress magte-teleport tayo in five minutes." Utos ni Martina sa kanyang mga agents.

"Do I make myself clear?"

"Roger, Chief." The agents said in chorus.

"Good. Now Agents, let's give them a show they'll never forget.

Mission starts in 3...


2...


1..."


To be continued.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Blood and The SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon