Paasa (One shot)

24 3 1
                                    

Bakit kaya may mga taong paasa? Niloloko na nga nila sarili nila, nandadamay pa ng iba. Kunwari, mahal nila, yun pala trip lang nila. Nakakainis ang mga taong ganito gusto ko silang i-flush sa inidoro.

Ako'y isa sa kanila, minsan ng umasa sa taong paasa. Nagsimula ang aking katangahan ng i-add niya ako sa facebook na inaccept ko naman. Na sa kalaunan ay naging malapit ang loob sa isa't-isa, kung di ko pa nasasabi siya'y aking kaeskwela. Kung iisipin ko lang ng mabuti, napakalabo talaga at ako'y kanyang napansin. Aaminin ko di ako kagandahan, at palagi akong inaasar ng mga kaklase ko kesyo "Ang feeling ko." "Malandi!", "Pangit mo." at marami pang ibang masasakit na salita na galing sa kanilang mga bibig na parang mayroong virus o Salmonella. Paasa! walanghiyang lalaki. Niloloko na nga niya sarili niya, nandamay pa. Yan nalang ang nasabi ko ng nalaman kong marami pala kaming mga pinaasa nya. Di lang pala ako nag-iisa dahil isang dosena kaming mga asang asa sa mga pinaggagawa at pinagsasabi niya sa tuwing magkasama kaming dalawa. Buti nalang at nalaman ko agad ang kalokohan niya at nagpapasalamat din ako na niloko niya lang ako, dahil kung hindi nya ko pinaasa edi sana di ko nakilala ang taong ito na katabi ko ngayon sa altar at sasamahan akong tumanda.

Lesson:
May mga taong dadating sa buhay natin para saktan tayo pero mas marami padin ang mamahalin tayo at papahalagahan. Kaya ikaw dyan, wag kang mawalan ng pag-asa dahil on the way palang ang taong nakalaan sayo at yun ay ako, biro lang. Pero kung naiinip ka ng hintayin siya, magdasal ka lang sa Diyos at mawawala yang chenang inip na yan. Dahil ang plano ng Diyos para sa atin ay higit na mas maganda sa plano natin. Kaya matutong maghintay.

PaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon