1st

32 2 2
                                    


"Better late than never."

------

"Nak.. wag munang magbo-boyfriend ha? Ayoko----"

"Ayaw niyo pong matulad ako sa inyo na at the age of 19 nabuntis. Yes mom.."

"Good. Kumusta mo na lang ako sa Ate Gab mo. Sige... ingat kayo diyan.."

"Opo Mom, also send my regards to Dad... Bye na po."

Then I ended the call. Mahal na kaya ng overseas call ngayon.

Being in Paris is a perfect self goal for us. Lahat tayo pinapangarap na makapunta dito yun nga lang sobrang madalang lang. Laking pasalamat ko lang na may opportunity na dumating samin ni Ate at napunta kami dito. Maglilimang buwan na rin kami ni Ate dito. Since si Ate ay permanente na sa trabaho niya bilang Chef sa 'di masyadong kalakihang resto dito sa Paris. Ako naman naghihinaty pa rin na matawagan ng pinapangarap kong Fashion House.

Nandito ako ngayon sa isang Café malapit sa apartment namin. Naka pwesto ako sa tabi ng bintana kung saan tanaw ko ang pinapangarap kong building ng pagtatrabaho-an. I graduated as a fashion designer. So, I must say na deserving ako diyan..

Tinaas ko aking kamay. Isang sign dito sa Café para umorder.

Isang babae ang lumapit sakin, na may dala-dalang papel at ballpen. "Bonjour madame, que manquer votre commande?"

"Une tasse de cafe s'il vous plait. That's all."

"Pas grave. Veuillez patienter."

"Merci." I said at last then she left. Learning French only, is hard but learning at the same time you give love and passion, it becomes easy. The way I'm experiencing things as now.

Habang naghihintay ako ay kinuha ko sa aking bag ang aking sketch pad. Iniscan kong muli ang mga design na sarili kong gawa. Grabe sa loob ng limang buwan nakuha kong makapag pasa ng résumé sa gusto kong fashion house. Sa kilalang De Melicentis Fashion House.

------

"Nga pala Sean, ano may tumawag na ba?" Tanong ng Ate ko matapos niyang lumabas ng kwarto.

"Wala pa Ate. Pero sabi nga nila, patience is a virtue."

"Yeah you're still young pa naman. Who knows baka bukas tatawagan kana."

"Sana nga po."

Lumaki kaming magkasama ni Ate. We're always fan of each other's company. Laging kami partner's in crimes. We treated each other as a best friend kung kaya't hanggang dito magkasama kami. Two years lang naman ang lamang niya so why not diba? Pag nag-aaway kami, we always end up saying sorry kahit ni isa lang sa'min ang may kasalanan. But Ate being the eldest ay palaging nagpapakumbaba. Ganyan naman siguro lahat kapag sobrang nasanay na kayo na magkasama sa lahat ng bagay.

Tumayo ako at tumungo kung na saan si Ate. I sat beside her.

"Mom called." At saka siya napalingon sakin.

She rolled her eyes. "I knew what was her intro. Drama talaga ni Mom. Ano pa ba ang bago?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Yes we know Mommy that much. Kada linggo tatawag siya to remind us na bawal magboyfriend kasama na lang ang kumustahan.

"Ate naman."

"Haha biro lang 'no. Pero honestly, I'm happy we're living in our childhood dreams. Paris." bumuntong hininga siya at tumingin sa kawalan. "Okay na sana kay Daddy si Tran. Si Mommy lang tagala ang ayaw."

Si Mommy Jeanelle, our biological mom was got pregnant at the age of 19. So, samin napasa ni Ate ang pagiging mahigpit niya tungkol sa pagpasok sa isang relasyon. Kesyo daw matulad kami sa kanya. We can't blame her naman. Ate's 24 and I'm at 22. Eversince hindi kami pumasok sa isang relasyon hanggang panliligaw lang lahat. But we're used of it. We understand Mom the way Dad does.

"Pano kung sundan ka niya dito?--"

"How I wish. Pero hindi na matutupad yan. He got married to Shiza last month."

The way Ate said those words, I heard her voice went cracked. Pinipigilan niyang umiyak. I know how she feels. Kaya pala last time puro siya overtime. Sana kung alam ko lang nadamayan ko siya. But the news suprises me too.

"Ate..." Hinimas himas ko ang likod niya to lessen the sadness at para malaman niyang nandito lang ako. "Maybe, God planned something better for you. Just hush na Ate.."

Hindi talaga lahat may happy ending kahit sobrang sacrifices na ang nagawa niyo para sa isa't isa.

That Sign (A Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon