LYRA's POV
Nagugulat na naman ako sa mga nangyayari. Yakap yakap ako ng lalakeng mahal ko na model?
"OMG LOGAN!!!" irit ko at bigla niyang tinakpan ang bunganga ko at nagsorry sa mga napatingin pati narin dun sa bading na nagpicture samin.
"Shh kasing lakas padin ni Goliath yang bunganga mo Lyra hahaha namiss talaga kita." at lalo niya akong niyakap ng mahigpit. Tapos naalala ko na naman yung mga nangyari samin dati at napatungo ako bigla at nawala yung ngiti ko.
"bakit mo ba ako iniwan at hinoldap?" tanong ko.
"lika magdate tayo tapos ieexplain ko sayo lahat, san mo ba gusto kumain?" tanong niya.
"sa isang chinese resto." sagot ko at hinila niya ako sa isang restaurant at pinaupo na ako.
Kinwento niya sakin ang lahat at pinaliwanag niya mga ginawa niya.
Nayakap ko siya bigla pagkatapos mag order.
"omg di ko akalaing ganon pala. Pwede namang sabihin mo sakin. Hindi mo naman kailangang lumayo eh." bulong ko habang nakasubsob ako sa dibdib niya.
"eh engot ako eh, kalimutan mo na ha. Sorry dahil nainlove ka sa isang mahirap na holdaper" at kiniss ko siya sa cheeks para wag na niya alalahanin yon.
"matagal na kitang napatawad, namiss lang kita. Wala eh nakakainlove kang holdaper ka!" sigaw ko at tinakpan niya naman bibig ko sa pamamagitan ng mabilis na kiss.
"shhh baby baka mapakulong ako." at muntik na ako mapaihi dahil sa ginawa niya. Hinalikan niya ba ako? tinawag niya ba akong baby? nagising ako nung pinisil niya pisnge ko.
"cute mo talaga magulat. Buti nalang at nilapitan kita kundi...baka hindi ako sasaya ng ganito. Tagal ko rin tong hinintay. So girlfriend na kita?" tanong niya.
"malamang hinde, hindi porke rich kid ka nang model ka eh tayo na agad. Aba pagtapos ng lahat, tayo na agad? ligaw muna." sabi ko sabay sandok nung dumating na order namin.
"opo. ang saya saya ko, ikukwento ko to agad kayna mama." sabi niya sabay taas ng hoodie niya at suot ng shades.
Hay di na ako nagtaka, model to eh.
"Kamusta naman baby?" tanong niya habang kumakain kaming dalawa.
"uhm valedictorian ako tapos nakipagbati na sakin si Raine at nabuntis siya pero nagkabalikan na sila ni Edrin at happy family na sila. Ako magiging ninang pagkalabas ng anak nila tapos ang saya saya ko kasi bumalik na ang holdaper kong model na bigtime na ngayon tapos ang saya saya padin ni Andy at ni Kuya tapos gusto kong maging fashion designer--" napatigil ako ng bigla niya akong subuan.
"wala na namang preno ang goliath hahahahaha namiss ko kadaldalan mo." sabi niya at namula naman ako kasi namiss ko din pagsubo niya sakin.
"sorry ikaw kamusta Bazooka?" tanong ko sabay tawa haha.
"eto namiss ka ng sobra tapos umasenso na kami nina mama dahil sa street food at model na ako ngayon ng Zara Nike at H&M tapos hindi na ako holdaper at hindi ko na natapos pag aaral ko dahil sa pagiging model at boss ko yung bakla kanina at nabayaran ko na lahat ng utang ko at gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa ko sayo--" pinutol ko siya at sinubuan jusko bagay na bagay talaga kami.
"napakadaldal mo padin talaga." sabi ko sabay kiss sa pisnge niya. Nakakagigil siya at niyakap ko braso niya at kinagat siya ng kinagat.
"di ko akalaing clingy ka pala no baby? haha para ka diyang tarsier na nakasabit sa puno. Miss na miss mo ko no." at napatalon naman ako sa kilig at napakembot ako sa tuwa.
"eh di ko kasi matago kilig ko at sobrang nanggigil ako sayo kasi hahaha" at pinisil niya pisnge ko.
"ang saya ko. Buti talaga nilapitan kita at napatawad mo ko." bulong niya sabay akbay sakin.
"oo naman no haha tara muna sa nike meron pa akong pera!!" sabi ko at hinila ko na siya. Poster niya na naman nakita ko, grabe naman tong model na to.
"grabe ka by." sabi ko sabay hug sakanya pagkabili ko ng tatlong sapatos. May discount ba naman kasi nagpakilala siyang model ng nike at ako daw girlfriend niya.
"kapal mo, di pa kita sinasagot." sabi ko at hinawakan niya kamay ko. Hayaan niyo na akong lumande namiss ko siya eh.
"oonaaaaa ako na bahala sa panliligaw sayo." at kinilig na naman ako. Ang init ng palad niya hahaha nakakagigil. Di ko napigilan, hinalikan ko tuloy kamay niya.
"napakalambing mo pala no haha." sabi niya nung nasa zara na kami habang sinasabit ko sakanya lahat ng gusto kong sukatin.
"syempre naman, pogi mo sa anggulo na yon." sabi ko sabay turo don sa picture niya sa zara na naka coat.
"lahat naman ng view eh pogi ako eto talaga. Ang dami mo na naman bibilihin, ako na magbibitbit ng iba mo pang bag" at kinuha niya nga sakin. Mukha na siyang christmas tree sa dami ng bags na nakasabit sakanya hahaha cutie naman. Pinicturan ko nga siya.
Nagsukat na ako at binili ko lahat. Wala na talpog na 50k ko. Hay ang bilis hahahahaha.
"baby parang ang lalim naman ng dress na to at ang ikli." sabay pout niya nung nakita niya yung dress na tinitiklop na nung sales lady, naalala ko tuloy si kuya at andy.
"magtutube ako baby at mag sacycling shorts sa loob wag kana mag alala." sabi ko sabay kiss sa pisnge niya. Unang araw na pagkikita puro halikan at baby na eh. Sorry na.
"kakakilig naman baby sige na nga basta dapat kasama mo ko pag suot mo yan ha, makahanap nga ng maiteterno ko diyan saglit lang." at lumabas siya ng suot suot ang isang formal na damit. Inabot ko sa sales lady phone ko para picturan kami habang pinupuntahan ko siya. Gusot pa yung collar at yung tie kaya inayos ko. Narinig ko yung click ng phone ko.
"talagang nagpapicture ka pa ha." sabi niya habang pinapanuod niya akong ayusin ang damit niya.
"syempre naman. Ang hot mo dito bilihin mo na nga yan." sabi ko sabay kiss na naman sakanya.
"nakakailan kana ha, feeling ko tuloy boyfriend mo na ako hahahaha libre na to, ako nagmodel nito eh." sabay turo niya sa picture niya sa gilid.
Bongga no.
BINABASA MO ANG
Lyra Rich Meets Logan Poor
RomanceAnak si Lyra nina Tristan at Calin sa "I'm Fine" tinamad na akong tapusin kasi naeexcite na ako dito. Maiinlove kaya si Lyra na top 1 at sobrang talino sa isang mahirap na si Logan? Na hinoldap pa siya sa huli nilang pagkikita? Eh si Logan naman? M...