Hiram

34 0 0
                                    


Hiram - A One Shot Story


Simbang Gabi


Sabi nila, kapag nagmahal ka..lahat mararanasan mo. Sakit, Pighati, Panloloko, at Karahasan. Pwede ka rin naman maging masaya. Pero naniniwala akong, bawat saya na nararamdaman mo.. may kapalit na kalungkutan. Not all the times, pwede kang maging masaya. 


Kaya nga ba ayaw ko nagiging masaya eh. Wala pang isang oras..may kung anong kamalasan na ang papasok sa buhay ko. Ako yata ang reyna ng kamalasan hah? 


"Theia, anak! bumangon ka na at magsisimba tayo ngayon!" Heto na, naririnig ko na si Inay at bumubulyaw na, tanghaling tapat.


Tuwing linggo, maaga kaming nagigising ni Inay at Itay para magsimba. Alasyiete dapat handa na kaming lahat. Gawain namin ito tuwing linggo. Simple lang naman ang buhay namin eh. Magtatrabaho, Uuwi ng bahay, Kakain ng sama-sama, at saka matutulog. Ganon lang at walang kahirap-hirap.


"Goodmorning 'Tay, Goodmorning 'Nay!" bati ko sakanila at hinalikan sa kanilang mga pisngi. 


Only child lang ako sa pamilya. Ewan ko ba, masyado ng matanda sila Inay para gumawa ulit. Haha! Kung alam niyo ang ibig ko sabihin, yun na yun!!


"Goodmorning 'nak. Kumain na tayo nang tayo'y makaalis ng maaga." Ani tatay habang pinaghahanda ako ng pagkain.


Umupo na ako sa puwesto ko kung saan kaharap ko sina Inay at Itay. Ang tatanda na nila pero ag sweet pa rin nila. Sakanila ako naniniwalang may forever! Habang ako eto, matagal na ring naghihintay para sa tamang tao. Hmp, alam kong, may tamang panahon para sa tamang tao na makikilala ko. Baka dinelay lang ni Lord. Hehe!


"Magdasal na tayo." Galak na sabi ni Inay habang umuupo sa tabi ni Itay.


Ngumiti ako at nagpasyang ako na ang maglead sa dasal. "Sa ngalan ng ama, sa anak at sa espiritu santo,"


"Amen." Ani Itay at Inay.


Huminga ako ng malalim. "Panginoon, ipinagkakaloob ka namin. Maraming salamt po sa panibagong umaga na binigay mo sa amin. Sana eh magpatuloy lang po ang takbo ng buhay namin. Walang pumalya at masaktan. Maraming salamat, Kuya! da best ka talaga. Amen?"


"Amen!" 


Humalakhak ako nang simula na kaming kumain. Hayy, ano pa ba ang mahihiling ko? Makita kong masaya ang pamilya ko, buong buo na ang araw ko. Nagpapasalamat talaga akong, niluwal ako ng nanay ko. Napaka-alaga nila saakin. At kahit ganito lang ang buhay? Masaya lang kami. Ayos na ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HiramTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon