"Uwaaaah uwaaaaah uwaaaaaah"Agad akong nagising sa iyak ng pinakakamahal kong anghel. Kahit bitin pa sa tulog ay dinaluhan ko agad siya upang tumahan na.
"Sssssshhh baby mommy is here tama na."
Ngunit kahit anong gawin ko ay ayaw niyang tumahan. Ang kulay mapula pula niyang balat ay unting unting napalitan ng kulay ube hanggang sa unti unting humihina ang kanyang iyak. Ramdam ko ang o
unti unti nyang paninigas kasabay ng pag itim ng kanyang mumunti at malambot na labi. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko hindi tumagal tumigil siya sa kanyang pag iyak, nanginig ang katawan ko ng bumagsak ang kanyang maliliit na braso. Walang tigil sa pag agos ang aking mga luha."Uwaaaah uwaaaah uwaaaah"
Sa di kalayuan ay nakarinig ako ng munting tinig galing sa likuran ko. Nagulat ako ng makita ang isang lalaking may hawak na bata at pinapatahan niya ito. Ng mapadpad ang tingin ko sa munting anghel na aking hawak ay nawala na ito sa aking mga bisig. Doon ko lang napagtanto na ang hawak na sanggol ng lalaki ay ang anak ko.
"Janella? baby? ibalik mo saken ang anak kooooo!"
Ngunit imbis na ibalik ay kumaway pa ito at tila nagpapaalam,
"Ibalik mo siya saken parang awa mo na"
------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Just One Last Night With Him
Short StoryI love you, You love me. Pero bakit napakalupit naman ng tadhana para saten. Pwede bang puro happy nalang wala ng ending? Pwede bang irewind lahat at Ipause kung san kasama pa kita at masaya pa tayo? Pero bat ginanito tayo ng tadhana? Can i be with...