SULAT NI TATAY... part 2

28 0 0
                                    

SULAT NI TATAY...

di ko sinasadyang na kita ko
ika'y nakaupo may lapis at papel sa kamay mo
minsan napapangiti kadalasa'y napapangiwi
akala ko ano a......akala ko may tupak ka
nagtaka tuloy ako, ano kaya ang sinusulat ng tatay ko?

inantay kong makatulog ka
upang sulat mo aking mabasa
wala lang......nagtataka lang.......
malay ko ba tatay.....na ako'y mapapaiyak mo
di ako nagkamali, mahal nga pala ako ng tatay ko...

Anak,
mula pagkabata kilala kita
mula sa iyong pagtulog sa gabi
hanggang paggising mo sa umaga
familiar ako sa lahat ng gawain mo
ang rason pag tumatawa ka o kaya'y umiiyak ka
tatay mo ako e.........at anak kita

hindi kailan man naging mali kaya ka nasa amin
dahil ikaw ang pinakamagandang regalong bigay sa amin
at alam mo? kami ay naging masaya
mula ng isilang ka, hanggang sa lumaki ka

ang aking ambisyon para sa iyo
kasing lawak ng karagatan
kasing dami ng buhangin sa dalampasigan
anak, aking tutuparin maging maligaya ka lamang

ikaw ay aming iniingatan
sa tuwing ika'y nasasaktan
inaakap kita, pinapasandal sa dibdib ko
mailapit ang pisngi mo dito sa puso ko
ipapaalalang mahal ka ng tatay mo
upang lungkot mo'y maglalaho

lahat gagawin ng isang magulang
magtatrabaho upang maibigay
lahat ng nais at iyong kailangan
upang balang araw iyong maipagmalaki
masasabi sa iyong sarili...
ang tatay ako'y labis inibig at kinandili

isa lang ang gusto ko anak
ang maging masaya ka sa lahat ng oras
sapat na yun kay nanay at tatay

nagmamahal,
tatay

di ko alam kung ano ang sasabihin
pagkatapos kong mabasa ang sulat mo sa akin
isa lang din ang tanong ko sa aking sarili
ako kaya? bilang anak ako bay naging karapat dapat?

pero alam ko di ko man natupad ang gusto mo
naging tapat ako sa sarili ko
at naging masaya sa buhay ko
salamat sa pagmamahal tatay ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sulat ni Tatay...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon