One shot letter for Him

9 0 0
                                    

Dear Him,                                                                       July 28

Kamusta ka na? It's been 2 years since we talked. I just want to say sorry for the things I've done. Oo, alam ko nagkamali ako. Gusto kong mapatawad ko ako. Nagbago ako, sorry. Hindi ko lang kasi natanggap ang mga nangyari kaya napagsalitaan kita ng ganun. Miss ko na ang best friend ko. Kapag bumalik ka, sure ako na ang haharap sayo ay ang dating best friend mo. Ako. Dating ako. Yung babaeng, nagustuhan mo. Nasaktan ako noon. Mas nasasaktan ako ngayon kasi wala ka na. Wala na yung nangungulit saakin araw araw. Wala na yung nagpapangiti saakin kada malungkot at naiinis ako. Lumayo ka na eh. Wala na akong balita sayo. Kaya pinadadalan kita ng isang liham. Hindi ko alam kung magpaparamdam ka pa. :) namiss ko yung dating itetext mo ako araw araw. Araw araw na ikaw ang nagpapasaya sakin. Sobrang namiss ko yun, sobra. Naalala mo ba nung nagpapractice tayo sa sayaw sa school. Gabi kasi ang uwian nun, hinahatid mo ako. Ang sarap sa feeling. Minsan pag sobrang pagod ako after practice, gusto mo ako ihatid sa bahay. Ako tumatangi kasi malayo bahay ko sa bahay mo eh. Ayoko maligaw ka. Naalala mo pa ba nung unang beses ko hinawakan kamay mo? Nililigawan mo pa lang ako noon eh. Tuwang tuwa ka pa ah. Napastatus ka pa :')

Naalala mo ba yung araw na sinabi mo may sasabihin ka saakin, yes or no lang ang sagot? Tapos nung hinatid mo ako, sabi ko

"Ui, ano ba yung sasabihin mo?"

"Uhhh.... Ano... Umm... Ano kasi.. Di ko kabisado..."

"Ha? Di mo kabisado?" Sabi ko habang natatawa.

"Bago ka sumakay, sasabihin ko." Tapos ngumiti ka.

Happiest day ko ata yun. Sinabi mo na, "pwede ba manligaw?" Ako hindi nagdalawang isip pa. Tipid kong oo. Nakakaiyak. Kasi nakaraan na lang ito eh. Memories ganun. Ang sarap talaga ibalik ng panahon, but money can't buy me a time machine because past will remain as a past. Naalala mo nung inamin mo na may gusto ka sakin? One of a kind ka kasi hindi ka agad naghangad ng relationship. Kaya nga minahal kita eh. Kaso hanggang ngayon, mahal pa rin kita eh. What can I do to stop? Hindi ko nga planong magmove on eh. Ang tagal na. May iba ka na nga eh...masakit pero kasalanan ko din, I acted like a child. Breaking up with me without telling the reason? Parang ako si Jose Rizal na binaril nang hindi ko alam dahil nakapiring ako. Hindi ko hinihiling na kaawaan mo ako. Okay lang lahat ng ginawa mo. Naalala mo sinabi ko sayo, "hindi ako magagalit sayo ever. Promise. Pag nabreak ko yung promise, dapat may gawin ako para sayo." Nakalimutan mo na ata yun. Okay lang. Hindi ako nagalit sayo pero nagalit ako sa sarili ko. Tanga kasi. Nasaktan ako dahil I chose love over friendship na dapat hindi ko ginawa. Naalala ko ulit nung magbestfriends pa lang tayo. Siguro akala mo iba makakatuluyan ko. Nagsend ka sakin ng picture na, She's my best friend, break her heart, I'll break your face. Haha. Nasapak mo na ba yung sarili mo? Just kidding. I don't want to assume anymore. Impossible na kasi eh. Meron isang tao sa buhay natin na hindi natin magawang iwan, para saakin ikaw yun. Namimiss ko yung ngiti mo. Cute eh. Nawawalan ka na nga ata ng mata pagngumingiti. Nakakatuwa. Naalala mo ba nung Senior ball natin nung High School? Nung nakita kita noon tumigil ang mundo ko. Sobrang iba ang itsura mo. Nainlove nanaman ako. Sobrang saya ko noon kasi bigla mo akong tinanong " Can I have this dance with you? " namula ako nang sobra noon. 'So Close' by Jon Mclaughlin ang tugtog sobrang parang fairytale ang gabing iyun. Masquerade ball pa naman iyun. Tapos nung matatapos na yung kanta nagtitigan tayo sa gitna nang ball room. Tinangal mo yung mask mo then tinangal mo yung akin. "Ang ganda mo ngayon, I..." Sinabi mo sabay nang matapos ang slow dance. Bitin na bitin ako sa araw na iyun. Hindi mo man lang nasabi ang gusto mo. Umasa pa ako. Tinanong kita the other day,

"Ano yung sasabihin mo?"

"Ha?"

"Nung Ball, may sasabihin ka eh."

"Ah wala yun."

"Anong wala?"

"Basta. Busy ako dun ka muna."

Pinagtabuyan mo pa ako. Masakit ah. Pinadama mo saakin importante ako tapos bigla mo nalang ako iiwasan. How could you do that? How could you hurt me if you do love me?

Nabalitaan ko din pala, may bago ka na. Pakatagal kayo ah. Alagaan mo siya, mahalin mo nang sobra. Wag mong sasaktan. Sigurado ako na mas matangkad, maganda at mabait iyan saakin. Puro balita na lang ang naririnig ko sayo. Sana maayos lang ang lagay mo. Naglakas ako ng loob na padalan ka ng sulat kahit 2 taon mo na akong iniiwasan. May bago ka nang number. Hanggang ngayon patawarin mo ako pero aamin ako...ikaw pa rin. Kahit umamin na naman ako walang mangyayari pero gusto ko lang sabihin sayo. Sorry, sorry kung hindi pa rin ako nakakamove on. Ilang beses ko na din sinubukan magmahal muli pero wala eh, ikaw pa rin ang nasa puso ko. Bawat bagay na gagawin ng isang lalaki, naalala kita. Hindi ko na ata kaya magpaligaw pa muli. Tama ata sila, first love never dies. Alam mo lumalabas ka pa rin sa panaginip ko tapos pagka-gising ko may luha na ako sa mata. Yung panaginip ko nagyakap kita muli, ramdam ko yung init ng paghagkan natin sa isa't isa. Ang sarap sarap sa pakiramdam. Sana ganun ulit. Pero alam ko ang sasabihin mo na magmove on na ako. Sige. Gagawin ko. Para sayo. Mahal ko. Paalam. Ito ang huling liham, pangako.
                                                                          -Her

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A letter for Him (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon