ONE

47 3 6
                                    

*FLASHBACK, 2 years ago*
"Babe! Promoted na ako as in promoted, natanggap na ako ng school na pinag applyan ko!" tuwang tuwa mo na bati sa akin, sa wakas nakamit mo na din ang pangarap mo na maging teacher.
"Congrats babe, pano ba yan uso manlibre haha!" pang aasar ko sayo.
Pumunta kami sa bahay nila at doon niya binalita ang good news na siya ay natanggap na bilang ganap na teacher. Natanggap siya sa isang Science High School, hindi na ako magtataka kung bakit doon siya napunta dahil may angking katalinuhan siya na siyang hinahangaan ng lahat.
"Babe, nga pala kamusta pag gawa ng research papers mo?" tanong niya sa akin habang hinahanda niya ang helmet na gagamitin para sa paghatid niya sa akin pauwi ng bahay, nakagawian na niya na ihatid ako lalo na kapag gabi na ako nauuwi. Kung siya ay isang ganap na guro na ako naman ay isang estudyante pa lang at sa susunod na taon pa makakapag graduate.
"Okay lang naman fight ng fight, kahit mukha na akong walking zombie!" ani ko, sabay tawa naming dalawa. Ganito kami palagi laging masaya laging nag aasaran, magkatampuhan man mag kakaayos din agad.
"Goodnight babe, sweet dreams, I love you.Tumawag ka lang pag may kailangan ka" Ani niya sabay halik sa noo ko, bago ako pumasok ng bahay namin.
*END OF FLASHBACK*
Napaka swerte ko talaga sa kanya, kahit na may mapait siyang nakaraan, oo mapait na nakaraan, dati siya ay isang basagulero, mahlig sa babae, mahilig uminom at may iilan din na bisyo, ngunit ng dahil sa isang aksidente nagbago ang lahat doon natutong siyang humingi ng tulong kay God at palapit ang kanyang puso kay God, noong nililigawan niya ako hindi ko pinansin ang mga bibig sa gilid, ang mga sinasabi nilang hindi maganda tungkol sa kanya, kahit na kung siraan pa nila si John sa harapan ko, kasi para sa akin hindi na mportante ang nakaraan ng isang tao dahil hindi na siya nabubuhay doon, natutong bumangon at magkaroon ng pananalig si John, kaya hindi ako sumuko sa kanya.
Ang mga dati niyang bisyo ay nawala, lahat ng mga nangyari sa kanya dati ay kabaligtaran ngayon. Tinanggap ko siya ng buong buo kahit na sinusubok kami ng paulit ulit patuloy kaming lumalaban sapagkat alam naming sa isa't sa na malalagpasan namin ang lahat. Sa tatlong taon na lagi kaming magkasama, nakilala naming isa't isa ang kahinaan at kalakasan namin. Parehas kaming naging matagumpay sa buhay at parehas din kaming patuloy na nanalig ng buong puso sa Panginoon.

*FLASHBACK, 7 months ago*
"HAPPY 3RD ANNIVERSARY BABE!!!" napakasayang surpresa niya sa akin, andito kami ngayon sa mataas na bundok, bundok na napapalibutan ng mga lanterns at may maliit na tent sa gitna na kung saan doon nakalagay ang lamesa na puro pagkain, ang langit ay punong puno sa bituin, kitang kita mo dito ang ilaw na mula sa siyudad, this is perfect. A dinner date with a perfect man.
"Babe paano pag nawala na ako? Anong gagawin mo?" Tanong niya sa akin habang nakahiga kami sa damuhan at nakatingin sa mga kumikinang na tala, tumingin ako sa kanya dahil sa biglaang tanong niya ngunit nanatiling siyang nakatingin sa itaas.
"Ano ba namang tanong yan, bakit ka naman mawawala, saan ka ba pupunta, at iiwan mo pa ko?" balik na tanong ko sa kanya.
"Halimbawa na oras ko na, at kinakailangan ko na mapunta sa langit anong gagawin mo?"
"Susundan kita." Mabilis na sagot ko sa kanya, hindi na siya sumagot at nanatiling tahimik, pero nakita kong nakangiti siya.
Nang maisipan na naming umuwi ay sumakay na kami sa kotse niya, oo may motor siya at kotse pero mas madalas niyang gamitin ang motor dahil mas madali daw i-drive. Nang tinatahak na naming ang daan nagtaka ako kasi pakiramdam ko iba ang daan na tinatahak namin,kahit naka piring ako kanina pakiramdam ko iba, pero nanatili na lang akong tahimik sapagkat may tiwala ako sa boyfriend ko, hindi niya ako hahayaang dalhin sa lugar na makapapahamak sa akin.
"Beach?" gabi na pero tanaw na tanaw ko ang dagat at ang huni ng mga alon na humahampas sa dalampasigan, mukhang walang ibang tao ang nagpupunta sa lugar na ito dahil walang ingay at medyo may kalayuan.
"Anong gagawin natin dito? Wala akong dala na damit." Sunod kong sabi dahil sobrang nagtataka na talaga ako.
"You'll see my lady." Tanging sambit niya sambay abot ng kanyang kamay na akin namang kinuha ang isinara ang pinto ng kotse. Nang makarating na kami sa mismong buhanginan ng beach tinanggal ko ang heels ko at hinawakan ng kaliwang kamay ko sapagkat hawak ni John ang kanang kamay ko.
Ang ganda dito grabe, mas maganda kaysa sa bundok kanina, madilim pero ang mga puno ay mga ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa amin. Huminto si John sa paglalakad, kasabay ng paghinto na niya ay siyang paghangin ng malakas na siyang dahilan para hanginin ang suot ko na dress, ngunit hindi ito pinansin ni John.
Lumuhod siya aking harapan habang hawak hawak pa rin ang kanang kamay ko. Ito na ba ito na ba ang pinaka aantay ko na pagkakataon ito na ba ang tamang panahon, matagal ko na siyang nakasama,matagal ko na siyang naging bestfriend,buddy, at higit sa lahat boyfriend. Naibigay niya ang lahat sa akin, kahit na marami man siyang naging pagsubok para makuha ako at para mabago ang sarili niya.
Natigil ako sa pagtatanong sa sarili ko ng mamatay ang ilaw sa puno sa mga, at siyang pagilaw ng mga lanterns o kandila o bumbilya na sa baso sa karagatan, at siya ring pag ilaw ng kinatatayuan naming ni John na hugis pusong mga rosas at iilang mga kandila, ngunit hindi pa din tumitigil ang malakas na hangin. Napatingin ako sa itaas nang may lumipad na jet at umiikot na tila may isinusulat sa ere,nahinto ang pagtingin ko sa umiikot na Jet ng mabasa ko ang nakasulat dito " will you marry me?" napatingin ako kay John at unti unting ng pumapatak ang luha ko.
"I'm not perfect, mapait ang nakaraan ko, akala ko wala na akong pag asa sa buhay, akala ko habang buhay na akong mag iisa at habang buhay na akong makakasama ang mga bisyo ko, ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng dahil sa isang aksidente at ng dahil sayo, ikaw at ang pamilya ko ang naging inspirasyon ko sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko ngayon. Aly maraming salamat kasi tinanggap mo ako bilang ako, hindi mo kailanman ako kinahiya kahit na sa harap ng mga kaibigan mo, at ipinaglaban mo ako sa pamilya mo. This time I want to be the man who will wait to you at the altar, I want to be the father of your soon to be daughters and sons, I want to be with you at your good times and bad times, I want to be your forever. ALYSSA JHAYNE NAPSEY WILL YOU MARRY ME?" halos mangiyak ngiyak na pagbigkas niya hindi ko na napigilan pa ang mga nagbabadyang luha ko at tuluyan ng rumagsa.
"YES I WILL" umiiyak kong sabi.
At saka niya ako inayakap ng napakahigpit at saka binubulong ang mga salitang 'I Love You' tumingala ako sa kanya at nagsabi ng 'I love You too' at saka nagdampi ang mga labi namin, isang halik na punong puno ng pagmamahal na totoo. Halik na kailan man hindi ko malilimutan. At saka tumugtog ang theme song naming na You and Me by: Life House
"Cause it's you and me, and all of the people with nothing to do, nothing to lose....."
*END OF FLASHBACK*
Naalala ko pa ang mga panahon na iyon, mga panahon na nagtapat ka muli sa akin, mga panahon na sobrang saya natin at punong puno tayo ng pagmamahal. Pinlano natin na sa Enero na tayo ikasal salubong sa panibagong taon, isang buwan na lang ang aantayin bago ang pag iisang dibdib natin. Pero hindi, hindi ko inaasahan ang mga pangyayaring ito.
*FLASHBACK, 1 day ago*
"Babe,gising ka pa?" text mo sa akin sa kalagitnaan ng gabi.
"Opo babe,bakit?"
"Miss na kita,tawagan kita ha." Agad agad naman akong nakatanggap ng tawag galing sayo.
"Miss agad eh hinatid mo nga lang ako kanina haha" pambungad na bati ko sayo.
"Syempre mahal kita e."
"Korni mo matulog ka na nga haha." Pambabasag trip ko sayo.
"Grabe ka sa akin,tinawagan kita para sana magpaalam"
"Hmmm.. Bakit, San punta mo?"
"Inaya kasi ako nila Zeke na makipag inuman, birthday niya kasi ngayon."
"Ahh ganun ba, gabi na masyado."
"Okay lang kung hindi, may next time pa naman."
"Ay grabe para kang nangongonsensya, sige pero huwag ka masyadong uminom lalo na at naka motor ka lang delikado dyan, baka mabangga ka pero huwag naman sana, mag ingat ka huwag ka mag pa-umaga, mag helmet ka para safe."
"Opo ma'am,opo masusunod po haha, I love you baby,goodnight, sweet dreams,sunduin kita mamayang umaga may pupuntahan tayo, I love you, I love you, I love you."
" Oo na po mahal mo na ako haha. I love you too babe,be safe."
Binaba ko na ang phone ko matapos naming mag usap, pero biglang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko, at siya namang binuksan ko kaagad, nagulat ako kasi andun siya at nakasandal sa may pinto.
"Kilig ka naman hahahaha" tawa niya ng malakas.
"Nang aasar ka ba?" tanong ko sa kanya ng pagalit, aakmang aalis na ako at isasara ang pinto,ng pigilan niya ito.
"Oh akala ko ba aalis ka? Shoo shoo" pantataboy ko sa kanya.
"Hindi ako aalis nang galit ang mahal ko, pinuntahan pa naman kita para mag paalam at mag goodnight ng personal." Sabi niya, na medyo nag papula sa kamatis, dahilan para yumuko ako at maglakad paupo sa kama ko. Umupo siya ng pa Indian seat sa carpet katapat ko at saka tinaas ang nakayuko kong ulo.
"Ganyan ka ba kiligin? Hahaha" pang aasar niya dahilan para sipain ko siya.
"Epal ka epal" sabi ko sabay sipa at hampas sa kanya samantalang siya tawa lang ng tawa habang hinaharang ang kamay niya sa mukha niya. Nang tumigil ako sa paghampas tumigil sa na din siya sa katatawa.
"So baby, alis na ako, sinadya lang talaga kita dito,bye." Aalis na sana siya ng mapansin niya na nakasimangot ako at nakayuko.
"I love you smile baby, always smile, ayoko kong nakikita kang malungkot, I love you, sleep tight" sabi niya sabay halik sa noo at labi ko. Ganun din ang ginawa ko at tuluyan na siya umalis pero bago siya makalaba ng pinto humarap muna siya at saka nagsabi uli ng 'I love you' at saka ngumiti ng napaka tamis. Pinanood ko lang siya na naglalakad palayo ng kuwarto ko hanggang sa di ko na siya matanaw.

"Hello" sagot ko sa telepono ng inaantok pa ang boses ko alas tres pa lang ng madaling araw pero bakit may tumatawag.
"Aly wala na siya" nagulat ako sa boses ng babae na parang umiiyak na wasak, tinigan ko sa screen kung sino ang tumatawag kahit napipikit pa yung mata ko, tumatawag pala ang mommy ni John.
"Ano Mama sino ang wala?" tanong ko.
"Si John anak,Aly si John wala na."
"Hindi po siya nawawala pumunta po siya kila Zeke nakipag---" di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang magsalita si Mama (nanay ni John)
"Patay na siya Aly,naaksidente siya" nang sabihin ni mama ang mga katagang iyon bumuhos ang luha ko kasabay ng panginginig ng mga kamay. Inabot ng minute bago ulit bumalik ang boses ko para makapag salita
"Asan po kayo?"
Nang sabihin ni Mama kung nasaan si John, hindi na ako nag dalawang isip na puntahan siya, nag drive ako papunta sa Hospital na sinabi ni mama, hindi ako naniniwala sa sinabi niya hindi yun totoo nag paalam lang siya sa akin kaninang gabi hindi hindi yun totoo. Mangiyak ngiyak akong nag dadrive pa punta sa Hospital kahit lumalabo na ang paningin ko dahil sa luha, patuloy pa rin ako. Pag dating ko sa Hospital, naabutan ko si Mama't Papa at ang kapatid pati na rin ang dalawang pinsan ni John, nakita ko silang nakaupo at umiiyak, nasa tapat sila ng emergency room. Tumabi ako kay Mama at nagbabadyang magtanong ng magsalita ang pinsan niyang umiiyak.
"Galing siya kila Zeke,lasing, umuwi siya ng 3am pero pumailalim siya sa nakaparadang 16 wheeler truck, hindi niya ito napansin sahil sa dilim ng kalsada,may nakakita sa kanya at tumulong, pero dead on arrival."
Habang sinasabi yun ng pinsan ni John,unti unting dinudurog ang puso ko ng pinong pino, hindi maiwasan sisihin ang sarili ko.
"Huwag mo sisihin ang sarili mo Aly, walang may gusto ng nangyari, kapiling na niya si God ngayon." Sabi ng Mama ni John habang hinihimas ang buhok ko samantalang nakahiga ako sa balikat niya habang umiiyak lang umiiyak, nanginginig ako hindi ko matanggap.

"Ang daya mo sobrang daya mo!, ikakasala na tayo malapit na tapos bigla kang mangiiwan napaka unfair mo, sana sinama mo na lang ako. Sana hindi kita pinayagan na pumunta noon, sana nag galit galitan na lang ako para hindi ka tumuloy, sabi ko naman huwag ka masyadong uminom, John kasalanan ko toh, kung hindi kita pinayagan sana andito ka pa rin kasama namin at masayang tumatawa,sabi mo pa sa akin noong nakaraang gabi susunduin mo ako kasi mag dadate pa tayo, ang daya mo naman eh iniwan mo ako, napaka unfair mo nakakainis ka nakakainis!" andito ako ngayon sa dagat kung saan nag propose si John sa akin, ilang araw na din ako dito matapos ng libing niya, Ilang araw na din akong umiiyak at umaasang bumalik siya.
"Naalala mo pa ba yung pumunta tayo ng Baguio, Bataan, Ilocos, Vigan at Bora sobrang saya nun , Naalala mo pa ba yung nagtapat ka sa akin, yung nililigawan mo ako, sobrang nakakatuwa ka nun mag effort. Kahit na minsan nag kakatampuhan tayo ikaw ang laging umiintindi sa akin, lagi mong pinapaalala na hindi ako mataba. Maganda ako at mahal mo ako, yung pag I love you ng more than 10 times sa akin, yung biglaan mong pagkatok lagi sa kuwarto, yung lagi mo akong dinadalhan ng pagkain, yung lagi mo akong kinakantahan, yung lagi mo akong inaasar at pinapatawa kahit wala ako sa mood, yung pagmamahal mo sa akin, alam mo miss na miss ko na lahat yun kasi ngayon wala ng gumagawa sa akin nun, wala ka na. Sana panaginip lang lahat ng ito sana hindi toh totoo, kasi alam mo ang hirap hirap tanggapin na wala ka na, ang hirap na bigla ka na lang aalis. Akala ko ba ikaw ang mag aantay sa akin sa altar ikaw ang magiging tatay ng mga magiging anak ko, akala ko ba ikaw pa ang magiging perfect husband, pero bakit bigla bigla ka na lang mawawala. Nagkulang ba ako? Sana sinabi mo para napunan ko lahat ng pagkukulang na iyon. Ngayon na andyan ka na sa itaas at sigurado akong kasama mo si God, hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ka niya kinuha pero sigurado ako na lahat ng iyon may magandang dahilan kahit na marami kang naiwan dito na sobrang nagmamahal sayo, sana lagi mo pa rin ako babantayan ah, huwag mo pa rin ako pababayaan, sana masaya ka dyan, sana mapayapa ka dyan. Magkikita pa tayo dyan,nangako ako na susundan kita." Pinahid ko ang luha ko kahit na tuloy tuloy pa rin ito sa pag agos, na parang dagat.
Everything happens for a reason, and God knows what it is. You will always stay in my heart. You will always be my knight and shining armor, best friend, best buddy at the best and perfect boyfriend. I'll always pray for you my Prince. I love you always and forever.

The end.

Cause It's You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon