WAN 1

18 1 0
                                    

[Xynna's POV]




"Ang tagal ni ma'aaaaaaam!"

"QUIEEEET! NANDYAN NA SI MA'AM"

"Okay class, malapit na ang bakasyon right?" paninimula ni ma'am.

"Yes ma'am." sagot naming lahat. Boring naman!

Ilang days nalang kasi bakasyon na, tapos naman na rin ang recog. at bukas, graduation na namin. Hayy! Ang dami kong mami-miss sa school na 'to!

"Nakakalungkot lang at blah! blah! blah! blah!"

BORING NA AKO!

Nandito na ako sa may canteen at hinihintay na ang magaling kong bestfriend. Kahit kailan ang kupad! Ilang dekada na ang lumipas wala pa rin. Pero joke lang yun. OA ko talaga.

"Xy! Kanina ka pa ba?" hingal nyang tanong. Inirapan ko sya.

"Actually, 11 years na ako dito. Bakit ngayon ka lang?" pagtataray ko. Nako ubos ko na nga pagkaing in-order ko wala pa 'tong kupal na 'to.

"Ha! nakakatawa ka bespren. May kinuha lang ako sa locker ko, tsaka kasi alam mo na! Nakita ko si Louise, kaya tinanong ko na kung pwede syang maka partner para sa grad. bukas." nue nye nye. Daming alam!

"Anyenyenye! Naku Ram! ayos mo, mukha kang bakla! Buti ka pa may partner na, tapos ako wala pa! Haw der yo?!" sigaw ko sa kanya, binato naman nya ako ng kinakain kong fries.

Oo, tama kayo ng basa! Lalaki bestfriend ko, at sya si Ryian Angelo Martinez. For short RAM! Galing ko diba? AKo kasi pauso 'non. Hehehe

"Inggit ka lang Xy!.....Ay nga pala! Magbabakasyon na ah? Saan mo gusto magpunta?" tanong nya habang inuupakan ang pagkain ko. Yes KO! Tinatamad na daw syang bumili.

"Hay nako! Di ko alam. Kung saan siguro mapadpad ang mga precious kong feet. Anyway, ikaw ba?"

"Kung saan ka, dun na rin ako." tumawa naman ako at binato sya ng fries.

"Nuxx! I love you Raaaaam! *insert tawa here* yuck! corny." at sabay na akming natawa. Sa sobrang lakas, abot na kabilang school. Okay, sorry na.

"So kita na lang tayo mamaya sa parking? Wag male-late ha? Manlilibre." sabi ko rito. On the way na kami pabalik ng kanya kanya naming room. Sinimangutan naman nya ako sa sinabi ko. Alam nya kasing sya na naman ang manlilibre mamaya e.

"Yaaa! Ang unfair talaga. Oh sya! Babush."







•••



Naka-uwi na kami ni Ram. Since kapit-bahay lang kami, sabay na kami sa pagpasok at pag-uwi.

Ngayon nga nasa tapat na ako ng bahay namin. Kakatok na sana ako nang biglang may bumukas sa main door namin at nagsisigawan. Hay! Eto na naman ba tayo?

"Ma! Pa! What's happening? Kaaaway nyo lang kagabi ah?" taranta kong tanong sa kanila habang madapa dapa na para lang pumunta sa kanila.

"'Yang tatay mo Maria Xynna. Nakita ko na namang may kasamang babae kanina sa opisina nya! Sino ba ang hindi manggagalaiti sa mga nakita ko ha?!" galit na galit na sabi-slash-sigaw ni mama sa amin. Dinuro-duro nya pa kami ni papa.

Pero ang pangit talaga ng Maria Xynna. Yuck lang! -___________-

"Dessa! Sinabi ko namang sekretarya ko lang yun at natural na kasama ko sya sa loob ng opisi---" di pa natatapos ang sasabihin nya e, bigla namang sumingit si mama.

"So kailangang naka-akbay ka sa kanya?! Naku, Shawn! Laos na yan! Gasgas na 'yang rason mo! Ikaw Maria Xynna, umakyat ka na sa itaas." utos nya pero tinitignan ko lang sila. Kakabati lang nila kaninang umaga tapos mag-aaway ulit? Wala pang 24 hours yun ah?

"Ma! Pa! Magbati na nga kayo! Para kayong mga bata e. Pag-usapan nyo kaya yan para matapos na! Jusko, kaka-cease fire lang kanina tapos mag gegerahan ulit? Pwede ba, dali na at kailangan ko ng mag beauty rest." sita ko sa kanila.

Sa totoo lang ngayon, parang ako nga ang tumatayong guardian ng mga magulang ko. Sa bawat na mag-aaway sila papa gitna ako para magka-ayos na sila. Graduation ko pa naman na bukas. Paano nalang kaya kung di sila magkakabati, paano na ako bukas?

"Sorry na hon, di na mauulit." pagkukumbaba ni papa. Tumalikod naman si mama. Sus! Pakipot pa e, pabebe? ganon?

"Sus! Puro di uulitin. Pang-ilan mo na yan?" mama.

"Sorry na nga e. Promise! Babawi ako sainyo pagtapos ng graduation ni Xynna." papa.

This time humarap na samin si mama. Nakangiti na sya pero nakataas pa rin ang kila nya. TARAY FOREVS. -________- Lumapit na sya samin at niyakap na si papa. Hmm! Tamis.

"Oh sya! Ako'y magb beauty rest na. Ikaw rin ma! maaga pa tayo bukas e. Babusssh!" iniwan ko na sila sa may sala. Umakyat na ako para makapaghanda para bukas.

Sino kaya magiging ka partner ko para sa last dance bukas? Di kasi ako prepared! Buti pa si Ram, napapayag na si Louise. Ako kaya? May mag-aaya kaya sakin?

Tsk! Don't think too much Maria Xynna Lao!

Pangit talaga ever! Tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon