Caleb's POV
'Aiiiiish bakit ba kasi kailangan ako ipakilala ng lola ko kung kani kaninong babae !' Padabog kong sabi habang nagdadrive papunta sa resto kung saan naghihintay ang lola ko ngayon .
Ako si Caleb Miguel Madrigal , mayaman , may pinag aralan , galing sa kilalang pamilya , CEO ng isa sa kompanyang pinatatakbo ng Madrigal Group of Companies , most sought bachelor of the year at di sa nagyayabang ngunit ako ang pinakagwapo at habulin ng babae sa society na kinabibilangan ko .
Lahat na yata nasa akin maliban sa isang bagay . Ang puso ng isang babaeng matagal ko ng minamahal sa malayo .
Walang iba kundi si Leigh Anne Santiago . Ang supermodel na anak nila tito Tim Santiago at Annie Santiago na family friend at isa sa mga stockholder namin sa negosyo .
Leigh Anne is a very classy and sophisticated woman yet my brother owns her heart . Yes , my one and only brother Aaron Michael Madrigal .
Aaron doesn't know about it and he's actually in love with someone else and that I don't know anymore . Lagi lang nyang sinasabi na , 'basta makikilala mo rin sya pre.'
Basta ang gulo ng sitwasyon namin . Ayoko ng masyadong ielaborate pa . All I know right now is that I don't wanna marry someone else na di ko mahal . Si leigh lang ang gusto ko pero kapatid lang ang turing nya sakin at kasalukuyang nasa europe sya kaya pano ko sya maliligawan at aayaing magpakasal sakin gayong lagi naman syang busy .
Ang saklap diba ! Hayy di nako kukulitin nila lola unless may mahahanap akong magpapanggap na mapapangasawa ko for the mean time kesa naman dun sa mga kinulang sa tela at mukang social climber na hipon na pinapakilala sakin ng lolo at lola ko .
'Ewww~' sabi ko sa isip ko .
'Kriiiiing-'
Naputol ang pag iisip ko ng may tumawag sakin .
Brent calling...
"Oh pre bakit?" tanong ko sa kaibigan ko sa kabilang linya
"Pre libre ka ba? Bar muna tayo , nag aaya sila clyde at henry pauwi na daw ng bansa si lukas ngayon. Ano sama ka?" Sagot ni brent
"Syempre ako pa ba?" Sagot ko agad sakanya
Narinig ko ang mahinang tawa nya sa kabilang linya bago nya sinabi na,
"9pm pre sa Gazebo Bar. Bye."
Sabi ni brent saka nito pinatay ang linya .
Mukang mapapasabak nanaman ako nito sa inuman ahh . Aish ! Bahala na ! Miss ko narin ang mga mokong na yun !
Like , Comment and Vote na po . 😊⭐⭐⭐
Enjoy Reading !Caleb Miguel Madrigal everyone
👈👈👈Ps: iniba ko po talaga yung gaganap na caleb at lindsay . Hehe .
BINABASA MO ANG
Extended Contract With My Boss
RomanceEnd-O mo na ? Anong gagawin mo ? Kung kelan kailangan mo ng pera saka ka pa mawawalan ng trabaho . Buhay nga naman oh . Eto ang storya ng babaeng sekretarya na si Lindsay Muñoz na malapit na ma end of contract sa kanyang trabaho ngunit ooffer-an ng...