Chapter 2: Meet Her

124 10 1
                                    

AUTHOR's POV

(500 years ago)

Sa isang kagubatan naninirahan ang isang dalagang nagtataglay ng kagandahang kinaiinggitan at hinahangaan ng karamihan. Ngunit kaagibat nito ang isang sumpang kinamumuhian ng mga mamamayan sa kanilang bayan..

"Aish. Matagal na panahon na simula ng lumuwas ako ng bayan. Kumusta na kaya don? Hmm.. Ano kaya kung.. TAMA!" ^_______^

Nagsuot ng pantalukbong ang dalaga upang hndi makita ang kabuuan ng knyang mukha. Masayang naglalakad ang dalaga bakas din dito ang kaba kung sakali mang may makakita skanya.

"Ayy. Patay! Baka hindi ako maabutan ni lola sa kubo. Babalik ba ko? Hmm.. Pero sandali lang naman eh." T3T

Nakarating na ng bayan ang dalaga. Nakangiti ito habang nililibot ang tingin sa paligid, wari ngayon lang ulit sya nakakita ng ibang tao sapagkat ang lola nya lang at mga hayop sa gubat ang kanyang nakikita simula ng kamuhian sya ng mga babae sa bayan, katakutan ng mga bata at pagkaguluhan ng mga kalalakihan..

"Wow. Ang saya dito, madaming tao. Hay. Sana nakakapasyal ulit ako dito gaya ng dati.. Hindi naman kasi totoo yung iniisip nila e. Hindi totoong kumakain ako ng t---"

Natigil ang kanyang sasabihin ng liparin ang kanyang saklob sapat upang makita ng iba ang knyang napakagandang muka. Sandaling natigilan ang mga tao ng masilayan ang muka ng dalaga.. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsimula na ang bulong-bulungan ng mga tao..

"Ang gumiho!"

"Anong ginagawa nyan dito?!"

"Bakit pumunta pa sya dito? Akala ko ba pinatapon na yan sa gubat kasama ang mangkukulam nyang lola?!"

"Nakakatakot baka mamaya bigla nalang tayong kai---"

Habang ang ilang kalalakihan ay pare-pareho lng ang reaksyon..

"Ang gumiho ay.. Dyosa parin ng kagandahan." *O*

Natulala ang ibang kalalakihan na ikinais ng ibang mga babae at mga asawa nito. Habang ang dalaga ay hndi alam ang kanyang gagawin..

"Pasensya na ho kayo. Gusto ko lang naman bumisita wag kayong mag'alala wala ho akong gagawing masama." ^____^ sabi ng dalaga sabay ngiti na nakpag'pa-ibig pa lalo sa ibang kalalakihan.

"Anong walang gagawin? Isa kang gumiho! Ikaw ang kumain sa mga alaga naming hayop. At sa isang mga trabahador sa bukid! Salot ka!" Galit na sigaw ng isang ginang na ikinatakot naman ng iba.

"Hndi ho totoo yan. Hndi po ako kumak---" naputol ang kanyang sasabihin ng sugudin sya ng tipon ng mga taong galit sakanya.

Agad syang tumakbo pabalik sa gubat hbang hinahabol prin ng ibang mamamayan. Sa sobrang takot na nararamdaman nya hndi nya nakita ang isang bangin at agad syang nahulog dito.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!"

Wala ng naabutan ang mga mamayan na pagod kakahanap sa dalaga. Agad naman silang bumalik sa bayan.

Samantalang...

"Patawarin mo ako apo. Kaylangan mo munang makulong sa paso ng templo upang maligtas ang iyong sarili sa kapahamakan." Agad na naglaho ang matanda.

Habang ang dalaga ay nakulong sa paso at nagbabantay sa isang templo. Sya ang nagsisilbing  paso ng kahilingan sa bagong henerasyon.

---

A/N: Be a Fan, Vote and Comment po =))

Next Chapter 3 (They met)

(c)celinderella♥ 

What The Fox?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon