Chapter 15. In a relationship?

87 3 4
                                    

Chapter 15. In a relationship?

Allie's POV

"Ok, I got it." Pagkasabi nun ni Rainier umalis na siya.

Yung plano ko sana hindi pumalpak. >_<

Binuksan ko yung Computer ko, tamang-tama, Online si Inah.

Me: Hey? Pwede ka ba ngayon?

Inah: Yeah, wala namang pasok eh.

Me: Great! Kita tayo sa dating lugar?

Inah: Sige, basta ba libre mo.

Me: Hayyyy, kailangan talaga may suhol?

Inah: Ok, kung ayaw di wag.

Napangiti ako. She's always the same, pero hindi ako lagi makatanggi sakanya.

Me: Ok, ok, you win.

Kinuha ko yung phone ko tapos dinial ko yung number ni Rainier.

Calling Rainier...

[Hello?]

"Ano ok na ba?"

[Oo pumayag na.]

"Good! let's do this!"

Nag-ayos na ko tapos umalis na.

Nagkita kami ni Rainier sa gilid ng Cafe.

"Oh nasan na siya?" tanong ni Rainier

God, bakit ang gwapo niya... >_<

"Huy? Bakit ka nakatitig sakin? Baka mainlove ka niyan ah." tumawa siya ng malakas

"A-ang kapal naman ng mukha mo, may ano kasi... may tartar yung ngipin mo!" 

>_< ano ba yung sinabi ko? Aiiiiisshhh kaasar!!!

"Tssss, for your information nagtotoothbrush ako no!" Sabi niya

 I rolled my eyes,

"Oy nandiyan na si Inah!" Sigaw ni Rainier.

"Ano ka ba?! Wag kang sumigaw baka marinig tayo!"

"Ay sorry, naexcite lang ako, ngayon ko lang kasi 'to nagawa eh."

"Nandiyan na rin si Levi." Sana, mag work 'tong Mission namin...

Napatingin ulit ako kay Rainier, GOOOOSSSHHH nakangiti siya, ang gwapo talaga >_____<

Inah's POV

Nasan na ba yun si Allie, 5 minutes na kong nag-iintay dito ah.

"Nandito ka rin?"

"Ay hindi wala ako di-------" -_____- Si Levi, kala ko kung sino >______<

"Hahahaha, pwedeng umupo?"

"May kasama ako."

"Wala pa naman eh, hinihintay ko rin yung kasama ko." Tumango na lang ako. Lagot talaga sakin si Allie.

"ahmm, nung isang araw? Nung nakita mo kami-------"

"Hindi mo kailangang mag-explain." Pagputol ko sa sinasabi niya.

"Gusto ko lang mag-explain kasi baka kung anong isipin mo."

-____-

"Ano namang iisipin ko? Sa tingin mo magagalit or magseselos ako? Ano ba kita? wala namang tayo ah." Tss, yung bibig ko talaga. >_<

Levi's POV

"Ano namang iisipin ko? Sa tingin mo magagalit or magseselos ako? Ano ba kita? wala namang tayo ah."

OUCH.

"Ahh, oo nga." tumayo na ko.

"Levi wait." sabi niya.

Humarap ako sakanya tapos nginitian ko na lang siya. Ang sakit pala masabihan ng ganon.

"Ano, i'm sorry, naiinis lang kasi ako ngayon, ang tagal kasi ni Allie." Napatingin siya baba. Ako naman bumalik sa pagkakaupo ko.

"Ok lang."

"Bakit ko nga ba kayo nakitang nag-kiss ni Jenny?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Ex-girlfriend ko si Jenny, almost a year na nung nagbreak kami, pero ayaw niya parin akong tigilan."

Inah's POV

Kung ganun, Ex niya pala si Jenny. Eh bakit kasi may pakiss-kiss pa? >_<

"Okay lang bang malaman yung reason ng break up niyo?"

Napabuntong hininga siya.

"Sabi niya nagsawa na daw siya sakin, gusto niya lang daw ng bago."

Ang babaw ng reason -_____-

"Ti-nry mo bang makipag-ayos sakanya?" nginitian niya ko bago siya sumagot.

"Oo, ginawa ko lahat."

Ang swerte ni Jenny. Siguro kung sila pa hanggang ngayon, I would die to be in her position. Teka? Parang naluluha si Levi. Stupid ka talaga Inah >_<

"Ahm, excuse me po? Ano pong order niyo?" pareho kaming napatingin dun sa waiter.

"Ahhh, Inah pwede bang dito muna ako? Nagtext kasi si Rainier hindi na daw siya makakapunta."

"Oo naman, baka nga hindi na rin sumipot si Allie."

After that kinuha na nung waiter yung order namin.

"The best talaga ang ice cream dito."

"Matagal ka nang kumakain dito?"

"Oo, actually dito nga kami unang nagpunta ni Allie nung bagong magkaibigan pa lang kami." Natatawa kong sinabi.

"Pano ba kayo nagkakilala?" Natahimik ako. Sasagutin ko ba yung tanong niya...

"Ahh ano kasi, mahabang istorya." Ngumiti ako.

Allie's POV

Nangangati na ko rito, yung kasama ko naman puro cellphone yung inaatupag. Tumayo na ko.

"Tara na, okay na siguro yung dala-------"

"Ayan, mag-ingat ka kasi alam mo namang medyo basa dito sa pwesto natin basta-basta ka na lang naglalakad."

O//////O

Napahawak ako sa dibdib ko, hala, bakit nagwawala yung puso ko. >_<

Humiwalay na ko sa pagkakayap niya. Tapos pinagpag-pagpag ko yung damit ko.

"Tara na." naglakad na ko.

"Ingat ka." Pagkasabi ni Rainier non, ewan ko kung bakit napangiti ako.

Inah's POV

Nandito kami ngayon sa tapat ng bahay.

"Sige salamat sa paghatid."

"Hahahaha, actually kasi magkapit-bahay lang tayo kaya sabay talaga tayong uuwi."

-_____- Stupid ko talaga. Nakakahiya yung sinabi ko.

"Ah, hahaha, oo nga sige pasok na ko."

"Salamat Inah, sana maulit uli to."

O_O

Ki-niss niya ko sa cheeks.

Ako? Nandito frozen. Napahawak ako sa pisngi ko. May laway pa, joke! hahahaha.

I had a great time. Medyo nawala na yung nararamdaman kong sakit sa dibdib ko. He's single at gusto kong palitan yun ng In a relationship.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfriend is My Stalker? (HIATUS to be REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon