5th Secret Mission

60 5 3
                                    

5th Secret Mission

**

[Location: Clarkson Hotel]

[Time: 8:31 AM]

Stephen's P.O.V.

*Bzzzt Bzzzt*

1 Message Received

"Ouch! >.<" Shet ang tanga ko naman. Bakit? Eh napaso kasi ako ng iniinom kong kape. Peste naman yung nagtext -.- Umiinom kasi ako ng kape which is obvious naman, at biglang nagvibrate yung phone ko na nasa bulsa lang ng pants ko.

Nagsesenti ako dito ng biglang tumunog, kaya sinong letseng di magugulat dun. Nasa kalagitnaan na ako ng pag iimagine about my future. Future life, family, children. Basta (-___-)

Tinignan ko yung nagtext..

From: A1_Casey Munroe

        Hi Stephen! :) Good Morning :))

Ahh.. Si Agent VX9 lang pala. Tss feeling ko crush ako neto eh. Laging nagtetext tapos minsan nagmimisscall pa. Pero baka malisosyo lang ako kasi alam niya na bawal yun. Hmmp.

Inayos ko muna yung pinagkainan ko.. Maaga talaga ako nagigising kasi gutumin ako sa umaga. Inubos ko na din yung kape ko. Syempre dahan dahan noh.. Eh di nalapnos naman yung kissable lips ko? Bwahahahaha! Ako pa -.-

Pero aaminin ko na matagal ako bago ako nakatulog simula nung kahapon. Syete eh! Nakatulog ako mga quarter to 5. Kaya medyo wala pa akong tulog masyado. Hays ewan ko nga ba eh. Bakit naging ganun yung naramdaman ko.. Tss oo na first time ko na. Eh ano?! -.-

Pagkatapos ko mag agahan, syempre naligo na ako. Censored na pag dinetalye ko pa. Ayun matapos ang mahaba habang liguan at bihisan.

Tapos na! Bwahahahaha :) At pumunta na ako sa room ni Sydney.. Kailangan pa namin tapusin yung secret mission eh. Para naman may plus kami :) Mas maaga mas malaki ang pera. Bwahahaah!

 *Lakad Lakad..

*Stop

*Tok Tok!*

*Tok Tok Tok!*

Aba! Bingi ba tong babae na to. Kaasar! Baka tulog pa yun -.- Pero impossible naman. Arrghhh! Saan ba kasi pumunta yung babaeng yun eh. Hindi naman siguro nasa mall yun kasi baka bukas may lamay na niya. 

Party? Ganito kaaga?! Tsaka hindi din naman party gurl yun. Mahiya naman siya, mas uunahin niya makipag party kesa magplano para sa mission? Sino bang agent ang sira yung ulo na makikipag party?

Well, minsan pag yung target at location ay nasa isang party. Nubayan! Ang dami kong naiisip eh! Ganda pa naman ng gising ko tas ganito?!

Date? It can't be! Alam kong alam niyang bawal iyon so bakit siya magri risk for a boy para sa trabaho niya?! Is he insane? Tsaka bawal talaga yun! >,< Matatanggal siya.. Kung mahal man niya yung boy, ako kakausap dun sa lalaki at sasabihin na Sydney doesn't deserve him. And vice versa! Period! >,<

Why nagseselos ka ba?  Nagseselos ba ako kaya ako ganito?  Of course...

No! No! Never! Why would I?!

Asar mainit na talaga yung dugo ko ngayon, so I decided na mag stay calm muna..

Okay inhale ... exhale ... 10x

Yan medyo ok na :) Napagpasyahan kong mag hintay muna saglet.. Baka naman umalis siya or ewan! -.- Ayoko na isipin kung nasaan man siya, ang dumi dumi ng thoughts ko eh. Ako magseselos? Arrrghhh! Nevermind.. >,<

Secret MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon