'Yan Kami eh

2.6K 142 34
                                    

(written on: feb 2016)

'Yan kami eh...
Nagsimula sa simpleng kwentuhan at tawanan
Madalas magtulungan at magkopyahan
'Kaibigan', 'yan ang tingin namin sa isa't isa
Pagkakaibigang bigla nilang nilagyan ng 'meaning'

Inasar-asar lang kami sineryoso ko naman
Naging close lang kuno kami, nagustuhan ko naman siya
Minsan ko pang nilibre para malaman kung sino crush niya
Umaasang 'ikaw' ang sasabihin niya

Hindi naman pala
Sinuportahan ko siya kahit na nasasaktan ako
Umaasa kasi ako...
Na posibleng ako naman ang magustuhan

Naging textmates kami
Pero ang laging usapan tungkol sa crush niya
Sobrang supportive ko 'no?
Doon lang naman kasi tatakbo ang usapan eh.

Isang araw ng summer bago magpasukan
Nagtetext kami noon at bigla na lang...
Bigla na lang ako napaamin nang wala sa oras
Sabi ko gusto ko siya

Alam niyo ba ang saya niya?
Ang sagot ba naman sa akin:
'Hahaha'

'Yan kami eh
Nagsimula sa simpleng kwentuhan at tawanan
Nagtapos din sa tawanan;
Siya sa sinabi ko
Ako sa katangahan ko.

'Yan Kami ehTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon