College Life o Highschool Life?

108 2 0
                                    

Sariling Opinyon ho lamang, walang bahid pamimirata o anumang kasamaan. lol

Alin nga ba ang mas masaya? Alin nga ba ang mas hindi makakalimutan? Ang Highschool life o ang College life? 

Maraming nagsasabi na ang Highschool life daw ang pinakamasaya at di malilimutan. E kasi naman daw, nandiyan yong first times at maraming circle of friends. At sa College naman daw e panay aral na lang o nagsisimula ng pumasok sa totoong buhay. [so kapag highschool hindi totoong buhay? :D]

Kung ako naman ang tatanongin [wait ah, sariling opinyon lamang] College life ang pinaka mas nagmamarka sakin. Although, hindi pa ko tapos ng College, 3rd year College pa lang ako e masasabi ko ng mas magmamarka to. :)

Hindi naman sa wala akong naging kaibigan at naghing first time nung Highschool. Actually, every year e may nagiging bago akong kaibigan. at marami din naman sila. At marami din pala akong naging perstaym, kagaya ng perstaym magkaron ng manliligaw, perstaym magkaron ng terror na teacher, perstaym magkaron ng mababang grades, perstaym magkaron ng boypren, perstaym din humakot ng awards dahil sa Sports Competition (Taekwondo at arnis), maging most behave at pati na din award pala sa Competition sa House planning (Drafting po kasi elective ko nung HS). Oh ayan, inisa-isa ko na. Spoiler? HAHA! Hindi naman po masyadowww. :)

Pero ang akin lang, College life is a lot better than Highschool life. Kasi dito sa College you can't be an easy-go-lucky person unlike sa Highschool, you have the chance to be. You must strive hard to gain all the high grades you want to achieve. You are learning more new things. Sa Highschool feeling ko (Pelingera ako e :P) limited lang e. Dito sa College? Kahit Self-study aakuin mo! At dito lalabas ang ugali mong "Wag na dapat mahiya", "Wag maging dependent", "Mag-aaral o magchi-cheat na lang ba?" :D at marami pang iba. Andito din lalabas yong tunay at wagas mong mga Kaibigan. Mga bully. Mga mayabang. Mga nagpapakopya at nangongopya. :D Inienjoy ko lang talaga kahit nahihirapan na. :D

Oh, alin na ba sayo? Hindi sa kung alin lang ang mas maraming nagsasabi na "Ohhhh nakakamiss ang Highschool life. Sarap balikan. Yong J&S Prom, Yong mga activities." E hello? wala ngang J&S Prom sa College pero may mga activities din naman ah. haha. Siguro, depende naman yan sa tao. Kung alin ang mas nagmarka. Depende sa Experiences na kinaharap nila. Kung pano nila dinala mga yon at kung pano nila ininterpret. Sakin? Ito, College life para maiba naman. dami niyo ng High school life e. haha. jklang. College Life ho talaga. :)

Again, Sariling Opinyon ho lamang. :) Salamat.

[di ko na ho in-edit. pasensya sa wrong grammar at typographical error, kung meron man. :P]

HINDI HO BAWAL MAGCOMMENT. TAX FREE. :)

STATE YOUR SIDE HO. ANO BA TALAGA KOYA/ATE? COLLEGE O HIGHSCHOOL? :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

College Life o Highschool Life?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon