CHAPTER 1
Je t'aime, Ma Fille
"Ms. Quines! Nasaan na 'yung five cakes na inorder ni Mr. Santos? Kailangan na 'yon ngayon!"
Ms. Quines nasaan na yung five cakes na inorder ni Mr. Santos kailangan na 'yon ngayon! I muttered to myself. Hindi ba niya nakikita na naglalagay ako ng icing sa cake ngayon?! I'm busy so don't talk to me!
"Ms. Quines!--"
"I already delivered it to his office a while ago, Ma'am." Sambit ko ng hindi nakatingin sa masungit kong boss. Hmmmp! Akala mo kung sino kung makasigaw sakin!
"That's good, then." Yun lang at lumabas na siya ng kitchen.
Dali dali ko namang tinanggal ang suot ko apron at nagtatakbo papuntang fridge. Kinuha ko ang five cakes at nagtatakbo papunta sa sasakyan ko. Binuhay ko naman ang makina pagkatapos ay nadrive na ako papuntang company ni Mr. Santos.
Yes, I lied. Kapag kasi nalaman ng masungit kong manager sa resto ay malamang magbebeastmode sa'kin 'yon. 4:00 pm pa naman kailangan ni Mr. Santos yung cakes, pero my goodness! Ala una pa lang kaya!!! Kahit kelan talaga si Manager, kailangan maaga. American time ata. Doon siya tumira! Aba't dinadamay ako sa kaagahan niya!
After 30 minutes of driving, narating ko na ang company ni Mr. Santos.
Dinala ko naman agad sa secretary ni Mr. Santos at agad na umalis. May naiwan pa kasi akong ginagawang cake.Pabalik na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Si Geia Lim Quintana. My one and only bestfriend forever. May forever na!
"Hello--"
"HOY, LEMNISCATE QUINES!! NASAAN KANG HINAYUPAK KA?! GALIT NA GALIT SI MALEFICENT! NAWALA KA DAW BIGLA!" Nailayo ko bigla ang phone ko sa tenga ko. Aba dinaig pa ang loud speaker!
Yes, Lemniscate Quines (Pronounced as Lem-nes-keyt Ki-nes) is my name. 22 years old and counting. Graduated ako ng BSHRM. Fresh graduate ako, actually. Pinagaral kasi ako ni Mom sa business business na 'yan. Mayaman kami kahit single mom siya. Masasabi kong naging successful siya sa buhay pero sa lovelife, mukhang zero. Tinatanong ko siya minsan tungkol sa Dad ko pero iniiwasan niya ang tanong ko na 'yon. I know she doesn't want to talk about him so shut up na lang. Okay, balik sa business thingy, someday daw kasi ay sakin niya ipapamana ang company niya. Hindi ko naman field 'yon at wala akong hilig doon. Kaya deretsa, bagsak ko lahat ng subjects ko noon. Sinandya ko 'yon. Gusto ko talaga ng HRM. Noong nagaaral ako sa business na 'yon, puro cooking books 'yung mga tinitingnan ko, imbes na mga papeles na binibigay ni Mommy! I can get what I want. Yeah, right, I can be a bitch sometimes. And after two years, nanawa na yata si Mom sakin at pinagaral na ako sa gusto kong course. YES! Tanggap naman niya ata na love na love ko talaga ang cooking. Kahit labag sa kalooban niya. That's why I love my mama. During my studies there, I met Geia. HRM din ang naging course niya kaya magkaklase kami. Kaya ngayon, hindi kami nagkakahiwalay, nasa iisang kitchen na kami! Lagi kaming nagkakatabi, kagroup sa projects, partners sa reporting, at iba pa. Pa'no hindi kami magkakaganyan, parehas kaming Q ang apelido. Hahahaha! Dati pa nga Ate Mavis pa tawag niya sakin dahil ang haba ng pangalan ko at mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya. Pero habang tumatagal, nagiging Infinity tawag niya sakin, nagtaka naman ako noon, 'yung pala sinearch niya ibig sabihin ng pangalan ko. HAHAHAHA! Ehh mas mahaba naman 'yon. Infinity symbol daw kasi 'yung meaning ng name ko. Naku, daming alam.
BINABASA MO ANG
They Just Met on A SPiLLED LATTE (ON HOLD)
Teen FictionFate will definitely cross their path. Kahit anong mangyari, magmi-meet silang dalawa. It's not a coincidence, there is a reason. May mga scenario kasi na nagkakakilala dahil nakabunggo, nagkakakilala sa trabaho, classroom, at kung saan pa. Pero sil...