Sa sakayan

35 0 0
                                    

Nakakainis! Pang ilang job interview ko na'to wala pa rin akong makuhang trabaho. Palibhasa mag popost sila ng HIRING FRESH GRADUATES sa Internet tapos hindi ka nila kukunin dahil wala ka daw JOB EXPERIENCE. Anak ng goldfish na walang utak! Ehh fresh graduate nga diba? Paano mag kaka experience yun? Mga walang utak. Ma-bankrupt sana sila. *AAAAARGGGH! *Nakakainis talaga! Haay nako. Maka uwi na nga. Lumuwas pa ako ng Maynila para lang umattend sa interview na'to. Sila kaya bumiyahe  ng eight hours mula Baguio tapos buong araw ka pang naka Amerikana.


Pagod na pagod na ako kaka-lakad. Galing pa akong Shaw, sa Victory Cubao pa sakayan ko. Na timing naman na nasiraan ang MRT. Napilitian tuloy akong mag bus na lang papuntang Cubao.Buti na lang at gumagana aircon ng at hindi pa rush hour kaya medjo naka pahinga ako. Pag datingko sa Victory Cubao, ay dios ko. PILA NANAMAN! Ang daming pumipila sa bilihan ng ticket papuntang Baguio. Buti na lang kamo at saktong may naka ready nang First Class na bus papuntang Baguio. At dahil pagod na pagod na ako at gusto ko nang magpahinga, pinatos ko na yung first class kahit na x2 ang pamasahe compared sa regular bus. At least makaka sakay ako agad at komportable pa sa biyahe dahil mas maganda yung upuan.





Biyaheng BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon