Pinasakay na kaming mga nakapila as chance passenger ng konduktor. Konti lang kaming nakapila kaya naka sakay agad ako. Maraming bakanteng upuan, siguro na traffic yung mga nag pa reserve ng upuan kaya hindi sila nakasakay. Pero mabutin na rin yun para sa akin. *Evil laugh*. Gusto kong umupo doon sa pang isahan lang para solo ko yung space. May nakita ako dun sa may bandang likod kaya naman dumertso na ako sa loob. Habang papalapit sa likod, napansin kong may isang Anghel na naka upo sa pang two sitter side. Alam ko. Kahit medjo madilim dahil dim light lang ang nakabukas, MAGANDA SIYA!!! Wala siyang katabi, kaya sabi ko sa sarili ko, pag wala siyang katabi dun ako tatabi sa kanya. *Kilig laugh* So nilapitan ko na siya at tinanong ko kung may katabi ba siya.
"Excuse Me. May kasama ka ba?" sabay turo sa upuan. Doon siya may tabi ng bintana nakaupo.
"Ay. Wala po ata? Hindi ko po alam eh wala pa namang umuupo." sagot niya habang tinitignan ang paligid.
"Okay lang ba kung dito ako umupo?"
"Ay sige po"
Umupo na ako agad nung sinabi niyang wala siyang kasama. Pagod na rin kasi talaga ako kaya gusto ko nang makapag pahinga. Ilang saglit pa ay napuno na rin ang bus at bumiyahe na.
BINABASA MO ANG
Biyaheng Baguio
Short StoryNa-aalala mo pa ba noong huling sumakay ka ng bus, tapos sobrang gwapo o ganda nung katabi mo? Yung tipong kinikilig ka at feeling mo ikaw na ang pinka swerteng tao sa buong mundo sa mga oras na 'yon? May pa sulyap sulyap sa bintana effet ka pa para...