Chapter 1

4 0 0
                                    

May taong nakalaan para sa bawat isa hindi nga lang natin alam kung sino sa kanila. May rason tayong mag mahal at umasa lalo na kung bibigyan niya tayo ng dahilan para lalo siyang mahalin at paasahin pa tayo.

Ito ang laging sinasabi ni Yixie sa sarili niya, at sa oras na magawa mong magmahal ng totoo at walang pagsisi kahit na masaktan ka sa bandang huli magagawa mong harapin ang taong magdudulot sayo ng sakit sa puso.

"Yixie ano na naman yang sinusulat mo? Emo emo ang peg." Si Ylona ang babaeng asungot sa buhay ko chos lang.! best friend ko si Ylona simula Elementary palang kami kaya hindi na ako nagugulat na bigla nalang siyang pumapasok sa kwarto ko ng hindi kumakatok tulad ngayon.

"Yung pagkamatay mo sa story ko yung sinusulat ko para mawalan na ng asungot."

"Grabe ka saken BestFriend!! Hindi kita tinuruan ng ganyan ha."

"Kahit hindi mo ako turuan gagawin ko noh! Ano nga palang ginagawa mo rito wala ka bang pasok?" Sa pagkakatanda ko kase Sunday ang restday niya,pero Wednesday palang at dapat nasa work na siya ng ganitong oras.

" as i expected makakalimutan mo ang araw na ito tsk tsk." Tila iritado niyang sabi habang pabagsak na ibinagsak ang katawan niya sa kama ko.

"Yung sa party hindi ko nakakalimutan yun noh."

"Oh eh bakit parang tinatamad ka yatang mag punta aber eh napag usapan na natin yun hindi ba?"

"Oo nga! Pero kapag iniisip ko na makikita ko yung palakang yun naiinis ako eh!"

"Don't mind that frog nakabili na ako ng Dissecting Kit para makatay na natin yun hahaha."

"tamang tama kabibili lang ni Haru ng Dissecting Pan para kumpleto na tayo sa gamit. Hihi"

"O kaya ipakatay na natin yung frog na iyon mamaya pero sa ngayon tara na sa mall nang makapamili na tayo ng susuutin natin." Dapat kase nung last week pa kami nakapamili ng susuutin kung hindi lang siya nakipag date sa boyfriend niya. Mas inuna pa yung boyfriend kesa sa akin na una niyang inoohan samahan kaibigang tunay talaga siya sa huhay ko nang iiwan sa ere.

Habang nagaayos ako para sa pag-alis namin paputang mall hindi ko pa rin alam kung ikatutuwa ko ba talaga na pumunta sa kami sa 50th Wedding party nang mga magulang ngBoyfriend ni Ylona. Okay naman kami ni Justin katunayan niyan Una kung naging kaibigan si Justin bago ko nakilala si Ylona dahil Schoolmate ko siya noong High School at mag kasama kami sa Dance Group ng school kaya naging magkaibigan kami. Nakilala lang ko lang si Ylona dahil Classmate ko siya nung College at simula nun naging mag close kami hanggang sa naging BestFriend na namin ang isat isa at ang mga magulang ni Justin ay parang anak na rin ang turing sa amin dahil madalas kami magkakasama at nag over night doon.

Okay na sana ang lahat kung hindi lang girlfriend ng kapatid ni Justin na si Juspher si Jhoanna. Ang babaeng Palaka sa buhay ko at isa sa mga babaeng kinaiinisan ng mga dugo ko. Kung hindi lang rin talaga nakakahiya kanila tita Jasmine at tito Joel Villiamor hindi na talaga ako pupunta. Ayoko naman sumira sa pangako ko sa kanila na pupunta ako sa Wedding Anniversary nila lalo na at ginamitan nila ako ng paawa epek nila at dahil talagang may sa pusong mamon ang puso ko pinagbigyan ko na ang pagdadrama nila sa akin, kung hindi lang talaga sila mabait sa akin nunka na pumunta ako.

Tanging si Ylona lang ang nakakaalam ng totoong rason kung bakit mainit ang dugo ko sa Jhoanna na iyon. Sa totoo lang hindi pa naman kami uli nagkikita ng palakang yun nalaman ko lang kay Ylona na Girlfriend siya ni Juspher nung magkaroon sila ng Family Dinner together with the Girlfriends of JJ brothers. *Justin and Juspher*

"Ano Yixie lalabas kaba ng banyo o kakaladkarin ko buong pagkatao mo papuntang mall?" Ayan na ang manok naguumpisa ng pumutak. Minsan iniisip ko paano ko naging kaibigan ang babaeng ito.

"Coming."

"Pakibilisan nauubusan na ako ng dugo sayo."

"confine na ba kita bestsy?" Tanong ko pagkalabas ko ng banyo.

"Wateva, so c'mon mamon at ng makauwi tayo agad para may pahinga pa tayo bago pumunt ng party mamaya." Aniya habang palabas ng kwarto ko. Syempre alam ko naman na medyo naiinis na siya dahil alam niyang sinasadya kong bagalan ang kilos kaya pinanggigilan ko nalang siyang kayapin sa likod.

"Hey baka malaglag tayo sa hagdan."

Nagiinarte pa pero nakangiti naman.
" okay okay sorry ang tagal ko pupunta naman talaga ako ayoko rin naman magtampo sa akin sila tita at tito kaya lang kase alam mo naman ang kwento ko sa palakang yun." Pagpapaliwanag ko habang pababa ng hagdan.

"Alam ko naman yun bestsy pero sa ngayon dont stress your self because of that frog kase na stress rin ang beauty ko at hindi pwede yan sa akin dahil baka pumanget ako." Natawa nalang ako sa mga sagot niya. Alam ko naman na pilit niyang pinapagaan ang araw na ito para sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Sweety GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon