CHAPTER 1: The Tapes
(Clay's POV)
"Ma, andito na po ako!"- Ako
"Oh bat ginabi ka?"- Mama
"Gumawa po kasi kami ng project."- Ako
"Kumain ka na ba?"- Mama
"Opo. Kumain na po ako kina Kinneth"- Clay
"Sge." May kinuha syang isang box sa ibabaw ng ref at ibigay sa akin.
"Para sayo ito. Dineliver yan kanina."- Mama
"San galing yan?"- Clay
"Di ko alam, walang returm address ee."- Mama
"Sino sender?"- Clay
"Wala ring nakalagay"- Mama
"Baka nagkamali ng bigay, baka di para sakin yan." - Clay
"Di rin. Para sayo talaga yan sabi ng nagdeliver." - Mama
"Okay. Salamat Ma. Good night po." - Clay
"Matulog kana at may pasok kapa. " - Mama
"Okay."- Clay
Pumunta na ako sa taas at nagpalit, naghilamos at saka nahiga sa kama. Alas 11, di pa rin ako makatulog. Gumulong-gulong na ako sa kama, pero wala pa rin. Bwesit na insomnia! Pagmalate ako, sasakalin ko talaga tong insomnia. Humanda sya. Bigla kong naalala ang box na binigay sakin ni Mama. Kinuha ko yun mula sa pagkakalagay nito sa study table ko (nag-aaral din ako nuh). Tiningnan ko ito ng marahan. Ano nga ba ang laman nitong karton na to?
Binuksan ko ito, at well I'm so disappointed. Akala ko naman susi ng Ferrari o iPhone, este ang wild lng pala ng imagination ko. Hahahaha.
4 CASETTE TAPES lang naman ang laman ng box. Useless. Ano gagawin ko dito? Wla na nga atang player na tatanggap sa bulok na tape na to. Siguro Taong Tabon ang nagbigay nito. Hayy.
Hinalungkat ko ito, at may nalaglag na note.
"Find time to listen to it. Start listening on Tape #1 Side A. Enjoy! "
Enjoy your face. Sarap mong sapakin aa. At dahil nga di ako makatulog, pinakinggan ko yung tapes, since my casette player ang kotse ni Papa. Ya, meron. Pareho sila nitong nagbigay sakin, taong Tabon. Hahahaha
Bumababa na ako at pumunta ng garage, mabuti nalang at nafunction pa itong casette player. Nilagay ko na yung tape at pinakinggan.
Silence
Silence
Silence
Creek. Crreek.
Silence.
Silence
Loko to aa. Pakinggan dw tapos di nagsasalita. Pang-asar. Nag-effort pa akong bumaba, useless talaga.
Papatayin ko na sana yung casette player kaso bigalang may nagsalita.
It was a familiar voice.
Masarap pakinggan sa tenga.
"Hi! Ya. Alam kong nakikilala mo na ang boses ko. Oo, ako to. Walang halong biro. Oo nga, ang kulit. Red Horse ksi walang halong biro. Hahaha. I bet you're wondering why you're listening to me, Ya! If you have this box, well, matakot ka na, di kita papatulugin sa gabi, tatabi ako sayo at susuyuin kita magdamag, diba ganon tayo kaclose? Masaya sana kung ganon tayo noon. Pero hindi ee. Iba ang ginawa niyo. To tell you the truth, nasasaktan ako sa inaasal nyo, nasasaktan ako na tuwing lumalapit ako sa inyo ay bigla naman kayong magdidisperse. Yang mga tingin niyo pag naglalakad ako sa hallway, yang mga sweet hushed murmurs niyo, natutuwa ako dun. Ako lagi ang spotlight ng tsismis, diba nakakaproud yun? Diba? Masayang-masyang ako dun. Di niyo lang alam na sa bawat tingin at salitang binibitiwan niyo, isang baldeng luha ang iniiyak ko. Yung tipong, wala kang ginagawa tapos yung tingin nila sayo, parang everyday nnangmamassacre ka. Yun yun ee, ang pinakamasakit sa lahat! Tapos tatanungin niyo, bakit ka ngapakamatay? Hindi naman yan ang solusyon ng problema mo? Tama nga kayo, aminado ako. Pero, bakit ganyan kayo makatingin? Hindi naman yan ang solusyon sa kung anumang nagawa ko sa inyo. Ang unfair nyo ee. "