You are Cordially Invited

945 29 2
                                    

*Arielle's PoV*

stress...stress...stress!

woooooh!

kaya mo 'to, Arielle!


kanina pa ako pagala-gala sa school. paano kasi nagbibigay na ako ng invitations sa mga kakilala ko.

ang hirap nilang hanapin! huhuhuhu.

solo flight lang ako, tinakasan ko si Impakto eh. HAHAHAHA.

ang awkward kasi, imagine. magaabot ako ng invitation kay Drei tas kasama ko si Clyde. hindi ko alam kung bakit ang awkward? basta ang awkward talaga.

-_________- nababaliw na ako.


"Hoy, Arielle!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

si Ellena pala.

"tsk. kanina ka pa hinahanap ni Clyde" sabi nya.

"magbibigay lang ako ng invitations" sabi ko.

"tara, samahan na kita" sabi nya.

tumango ako. lakad kami ng lakad tas everytime na may makakasalubong akong kakilala ko, aabutan ko ng invitations.

konti lang naman yung kakilala ko, pero ang hirap nilang hanapin!

"ayun sila Thor oh!" sabi ni Ellena.

wooh! agad-agad?!

lumapit kami kahit medyo nangangatog yung tuhod ko, kasama kasi nila si Drei!!!!

"Hi Ellena, Hi Arielle!" bati sa amin ni Thor.

"Hi" sabay naming bati ni Ellena.

ngumiti lang sila Ken at Gabby sa akin, nagsisikuhan pa sila. ang kulit.


tumango lang si Drei.

at least tumango di ba?! hahahahaha omg!



"napadaan kayo?" tanong ni Thor.

siniko naman ako ni Ellena, sinamaan ko sya ng tingin. etong babaeng 'to may pagka-brutal din eh. tssssss.

"ano--invited kayo" sabi ko sabay abot ng invitation sa kanila.

"para saan?" tanong ni Ken.

"sa debut nya" sabat ni Ellena.


binasa nila yung invitation.

"woah! kasama pala kaming APAT sa 18 roses mo?" tanong ni Gabby, pinagdiinan pa nya yung word na 'apat'.

weird.


"You are Cordially invited to the Royal Masquerade Ball" pagbasa ni Thor sa invitation.

-________-

anong trip nila?

"sige mukhang masaya 'to, makakapunta kaming apat? di ba Drei?" tanong ni Ken kay Drei.

lahat kami napatingin sa kanya. pokerface lang sya, para bang nagiisip sya ng maisasagot.

*ringsss...ringsss*

"si Mommy, sasagutin ko lang" sabi ni Drei tas umalis sya.

"saved by the phone call si loko" sabi ni Gabby.

"Arielle, makakapunta kaming tatlo, ewan ko kung makakapunta si Drei?" sabi ni Thor.

"sige, icha-chat ko na lang sya" sabi ko.

Dear Crush, [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon