YMDPMPG 1 ♡: Know me better

7 0 0
                                    

Chapter 1: Know me better.

Scyreign Yvonne's P.O.V

Hi. Im Scyreign Yvonne Cortney. My name is pretty good, right? Pretty as i am Haha. I know, tch. Im 17 years old, Grade 11 student. Im a student in W.I.S or Wldrick International School.

Anyways, ayoko nang magpakaplastik pa kaya magtatagalog nako.

Ayoko sa maaarte. Ayoko sa mga taong agaw atensyon. Ayoko sa mga taong OA. At mas ayoko sa taong umaagaw sa trono ko. Sa pagiging Princess of WIS ko. Ayoko sa mga taong walang originality. Ayoko sa mga mayayabang... kasi isa lang ang gusto ko.

Ang maglaro. Paglaruan ang mga lalaki at mga taong nasa paligid ko. Mga taong walang puso. Mga taong manhid. Mga taong mapaglaro.

Player ako. Masaya ako sa kung ano ako. Sa kung anong meron ako. Kaya walang makakapigil sakin. Walang makakapanginarte sakin. Im a bitch. I hate to be in love, and to be loved by others. I dont want to be like an angel on the eyes of others, nor devil. I just want to be who really am i. And being Scyreign Yvonne is being a Good Player. Player in all the aspects.

Braile Reid's P.O.V

Yow. Im Braile Reid Ojales. Pangalan palang gwapo na, yung may pangalan pa kaya? Hahaha. Im 19 years old. 1st year college. Sa Wldrick International School ako napasok o mas kilala sa pangalang W.I.S pang matalino tong school nato kaya nakapasok ako. Hahaha. Hindi ako conceited, totoong tao lang talaga ako.

  Mayaman kami. At dahil nga sa gwapo ako, model din ako. At *ehem* medyo matalino din ako. Kasali din ako sa varsity sa school namin, actually ako yung Team Captain sa Basket Ball. Masaya ako sa kung anong meron ako.

Madami akong kaibigan at may girlfriend ako. Apat na taon na kami. Mahal ko siya, pero hindi na tulad ng dati, nawawalan nako ng oras sa kanya, na yun ang dahilan kaya kami nag aaway. Hindi ko na siya nasasamahan. May araw nga na pati anniversary namin nakalimutan ko. It sucks daw. Daming alam. Kaya inaasahan ko na nadarating sa puntong ito...

"Ano bang mas pipiliin mo? Dota o ako?" Tanong niya.

"Ewan. Hindi ko alam." Yon naman kasi ang totoo. Hindi ko alam kung sino o ano ang pipiliin ko.

"Pipili ka lang naman! Hindi naman yon mahirap!"

"Sayo hindi. Pero sakin oo! Mahal kita per---"

"Mahal mo din ang dota? Nagpapatawa ka ba?"

"Hindi. Seryoso ako dito tapos tatanungin mo ako kung nagpapatawa ako. Kung nagpapatawa man ako, edi maganda. Hindi kita nasasaktan." Totoo naman diba? Kung masaya siya, edi wow.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Sino ba kasi ang pipiliin mo? Nagmumukha na kasi akong tanga dito." Paiyak na sabi niya. Ayoko na siyang paiyakin pa.

"Dota ang pipiliin ko. Ngayon, hindi kana magmumukh--- *pak"

"Yan yang nararapat sayo. Magsama kayo ng dota mo!" Sigaw niya. At umalis na siya.

Masakit, oo. Tanga ako, alam ko. Pero mas tanga naman ata ako kung pati ang dota ko, ipagpapalit ko sakanya na alam ko namang iiwan niya din ako.

Ganon talaga, kaya mong i give up ang lahat. Kaya mong iwan ang lahat. Pero ang dota. Hindi mo makakaya lalo na kung isa kang Dota Player.

****

A/N: Thank you. Vote please. Spread love.

You're My Dota Player; My Play GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon