Nakakalungkot isipin noh? Na yung dati mong kalulitan,kaasaran, kadaldalan ay hindi ka na pinapansin ngayon? Yung gustong gusto mo syang lapitan at yakapin sabay sasabihing "Bat hindi mo na ako pinapansin. Ano bang problema? Miss na kita." Kaso hindi mo magawa kasi sobrang nahihiya ka. Kasi baka mamaya ikaw lang pala ang nakakamiss tapos sya ayun! Masaya naman pala sa iba. Mapapangiti ka nalang ng mapait pag inaalala mo lahat ng kabaliwan nyo nung sobrang lapit pa ng kalooban nyo sa isat isa...
Yung papasok ka ng school at umaasang papansinin ka at kukulitin ka nya ule kaso uuwe kang bigo at bagsak ang mukha kasi wala kang napala. Yung dati kwento ka pa ng kwento sa kaibigan mo tungkol sakanya pero ngayon binabasa mo nalang yung chat nyo ng kaibigan mo. Yung mapapasabi ka nalang na "sana maulit ule. Sana ako nalang ang kulitin mo ule." Tapos sisimangot ka nanaman at unti unting may mamumuong luha sa mata mo. Bakit ba kasi ganun noh? Yung akala mo permanente sya sayo pero panandalian lang pala. Yung tipong hindi nadin kayo mapaghiwalay NOON sa sobrang close nyo talaga sa isat isa.
Wag kayong mag alala hindi lang kayo nakakaranas nyan. Dahil akong writer nito ramdam ko yan ngayon:( Yung gusto mong sampalin sarili mo at sigaw sigawan na "Masyado ka kasing na attach! Ayan tuloy ikaw ang nasaktan ngayon!" Kaso, pagod kana talaga. Alam nyo ang gawin niyo, tanggapin nyo nalang at sanayin nyo ang sarili nyo sa kung anong namamagitan 'sainyo.'
Dahil may mga taong dumadaan sa buhay natin para panandalian tayong pasayahin. Be happy nalang at nagkaroon kayo ng memories between YOU and HIM. :( :)