AMETHYST (The double Queen)
This story was made only by my imaginations. There's a part that would never be real, but there's still some part of this story that might happen in real life.
This is the first story I made.
Pero sana magustuhan niyo 'to.Pero kung hindi niyo talaga nagustuhan....well okay lang din.
After all, I made this story just to show what kind of imaginations I have and how weird I am..hahahaha.
De joke lang....^____^P.S.
Pasensya na Kung may mabasa KAYONG mga errors at mga wrong grammars. Alam niyo na tao din ako nagkakamali. Hehe. Pasensya ulit. ^_____^V******************************************************
PROLOGUE
*bang*
*bang*
"Ahhhh...."
Puno ng sigawan at putok ng baril ang bahay ng pamilyang Kuran. Hindi inaasahan na may mangyayaring pang-aambush kaya naman marami nang mga katawang nakalatay sa sahig sa loob ng bahay. Katawan ng mga tagapagsilbi ng pamilyang Kuran na Walang awang pinapatay at pinapahirapan.
Ngunit sa isang banada....."O-okasan! Okasan! *sniff* where.. *sniff*..are you?"
Sigaw ng isang bata habang nakaupong umiiyak.
Kanina pa niya tinatawag ang kanyang ina ngunit wala namang sumasagot."Cr..rystal..." Daing ng isang babae.
Nang marinig iyon ng bata ay agad itong pumanhik sa kinaruruonan ng boses na narinig niya.
"Okaasan! Okaasan!"
Nang makita niya ang pinanggagalingan ng boses ay mas lalo itong umiyak. Ang babae ay nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili nitong dugo.
"Okasan!"
"H..hide.." Mahina nitong daing.
"N-nande?.....Okaasan!" Tanong ng bata ngunit ngiti lamang ang natanggap niyang sagot. Hindi alam ng bata kung ano ang nangyayari at bakit ang dami nitong tama ng baril sa katawan. Ang alam lang niya ay naglalaro lamang sila ng kaniyang Ina ng tagu-taguan tapos may narinig na siyang nagpuputokan hanggang makita na niya ang kaniyang ina na ganun na ang kalagayan.
"J-just...h-h-hide.." Pakiusap nitong muli, kahit hirap na hirap na itong magsalita. Ngunit iyak lang din ng iyak si Crystal, hindi alam kung susundin ba niya ang kagustuhan ng kaniyang ina at sa dahilan ding ayaw niyang iwan ang kaniyang ina sa ganung kalagayan.
Bigla naman nilang naramdaman na may paparating. Kaya naalarma kaagad ang kaniyang ina. "H-hide..now!" Pilit niya sa kanyang anak.
"But..." Aayaw sana siya ngunit napatigil ito nang makita ang mukha ng kaniyang ina na nakikiusap.
"P-please. S-save...y-you..r...self...please....for..m-me." Sa pagsabi ng katagang iyon ay siya ding pagbuhos ng luha ng kaniyang ina. Kaya kahit ayaw niya ay sinunod niya ang kagustuhan nito. Nagtago siya sa isang maliit na cabinet na siyang kasya lang din sa kanya.
Nang makatago na siya ay sakto ding dumating ang taong pasimuno sa pang-aambush sa kanila.
"Tsk..tsk..tsk...look how pity you are right now, Anastasia." Sabi nito habang naglalakad palibot sa katawan ng babaeng nakahandusay habang tumatawa ito ng matagumpay. Napatigil naman ito nang biglang may dumating sabay luhod sa kanyang harap.
"My lord, Mr. Kuran is on their way now."
"What?" Galit na tanong nito. Nagagalit siya kung bakit dumating agad kay Mr. Kuran ang balitang nangyayari dito. Plinado na niya lahat, sinigurado niyang wala si Mr. Kuran sa pamamahay nito bago sila sumugod, kaya nakapagtataka para sa kanya nang malamang may alam na si Mr. Kuran. Imposible din kasing tumawag ang isa sa mga Tao dito sa bahay kay Mr. Kuran, pagkat si Mr. Kuran ay nasa tunnel ngayon para asikasuhin ang minahang pagmamay-ari nila.
BINABASA MO ANG
Amethyst (The Double Queen)
ActionAng kwentong ito ay mula sa aking imahinasyon lamang. May mga parte ng storyang ito na siyang hindi naman talaga nangyayari sa totoong buhay. Ngunit ang kwentong ito ay susubukin ang pagkakaibigan, paghihigante, pagmamahalan, at pagtitiwala . ******...