JC POV
napapitlag ako ng marinig ko yung bell, hudyat na lunch break na namin kaya naman agad akong tumayo at tumakbo papunta sa canteen gusto ko syang makita, kaka-usapin ko ulit sya na balikan ako, pagdating ko sa canteen nakita ko sya na may kasamang babae marahil bagong girlfriend na naman nya, hindi naman ito ang unang beses na nakita ko syang may kasamang iba after nya kong hiwalayan.
Nagmadali akong naglakad palapit sa kanya at nang makalapit ako agad akong lumuhod sa harapan nya, wala akon pakialam kung magmukha ako tanga dahil lahat gagawin ko mapatunayan ko lang na mahal ko talaga sya.
"hubby please naman balikan muna ko" pag mamakaawa ko sabay hawak sa kamay niya pero tinabig lang nito.
"Babe Sino sya?" Tanong nung kasama nya babae.
"A NOBODY" Sabi ni Carl na parang wala lang
A nobody? nobody na lang ba ako para sayo huh Carl? ganun na ba ako kawalang halaga sayo/ gusto kong sabihin ang mga salita na yan pero iba ang lumabas sa bibig ko.
"Nag mamakaawaa ako Carl"- Pakiusap ko pero parang wala lang sya kanya, natuwa ako ng itayo nya ako mula sa pagkakaluhod pero lahat ng tuwa na yun napalitan ng luha ng bigla nya kong sampalin. Napahawak ako sa pisngi ko sa sobrang sakit, ano nga ba yung masakit? yung pisngi ko ba o yung puso ko? hindi ko alam ang alam ko lang nasasaktan ako sa tratong natatanggap ko galing sa kanya.
"WE'RE OVER! ano ba sa salitang break na tayo ang hindi mo maintindihan? at hindi mo ko hubby fuck!"
"Ano bang nagawa ko sayo carl? sabihin mo at itatama ko bumalik ka lang, Carl alam mong mahal na mahal kita diba? lahat binigay ko sayo kahit pagkababae ko pero bakit iniwan mo parin ako?" therfore I realized na sa loob ng 3 buwan na pagmamakaawa at pagsunod ko sa kanya ito ang unang beses na nagtanong ako sa kanya tungkol sa pag-iwan nya sakin, dahil sa loob ng 3 buwan na pagkausap at pagmamakaawa ko sa kanya ito ang una beses na kinausap nya ako. Hindi na ako nabigla ng bigla niyang hawakan ang leeg ko, nasasaktan ako sa ginagawa nya pero hindi ko magawang magreklamo.
"GUSTO MONG MALAMAN ANG TOTOO? DAHIL SAWA NA KO SAYO. AYOKO NA SAYO!! HINDI NA KITA MAHAL! ohh. let me Correct you NEVER KITANG MINAHAL KAYA UTANG NA LOOB JC LAYUAN MUNA AKO"
matapos ang salitang yung binitawan nya ang leeg ko at tsaka umalis sa harapan ko, walang lumabas sa bibig ko hanggang sa tuluyan nalang syang mawala sa paningin ko. Alam ko naman eh. ramdam ko na hindi na niya ako mahal pero masakit pala talaga kapag harap harapan na mismong sinampal sayo ang katotohanan na yung taong mahal mo pa ang nanampal sa katotohanan na iyon.

BINABASA MO ANG
Last Tears - EDITING
Short Storypaano kung ang inaakala mong lalaking minahal mo ay iba sa katauhan ng lalaking minahal mo talaga... . . paniniwalaan mo ba? na ang lalaking nanakit at iniwan ka ay hindi naman talaga sya? Subaybayan.... ~Cerlynkat_JCM