Barkada (Parking 5)

6.7K 36 4
                                    

Ang Istoryang ito ay rated PG (Puro ka Gagahan) lang! hahaha xD

Barkada ba?! Mga taong sobrang sarap kasama kaso pag minsan nakakaadwa na. lolsjk!

Sila yung tipong pagkain mo pagkain nila.

Bahay niyo kung makaasta bahay na rin nila.

Sila rin yung mga klase ng tao na aasarin ka ng todo todo pero sa halip na mapikon ka iisip ka na lang ng maigaganti mong asar sa kanila.

Sila rin yung halos 2 oras mo pa lang hindi na kakasama miss mo na.

Sila rin ang dahilan kung bakit nalalaman ng iba yung mga secrets mo.

Kagaya ng Secrets na tungkol sa Crush mo!

At Kung Minsan Yung nakain ka habang nagkaklase bigla silang sisigaw ng "May Kumakain di man lang namimigay" kaya ang mangyayari mapapagalitan ka ng teacher niyo.

Sila rin yung mga hindi na nahiya sa pagiingay na mga halos luwa na ang lalamunan pero sigaw pa din ng sigaw.

At kung minsan pag kulang ng isa parang kulng ang barkada hindi ka nila iiwan lalo nasa panahon na kailangan mo sila.

Pero tandaan niyo sa panahon na habulin kayo ng Aso asahan niyo kanya kanya na yan kung minsan nga ng hahatak pa ng damit e. Hahaha.

Aminin nyo?! Ganyan kayo ng mga kaibigan niyo diba?! diba?! xD Pero kahit ganyan sila mahal na mahal niyo pa rin ang isa't isa.

----------------------------------------------------------------------

Hello Readers! Sana po suportahan nyo yung kagagahan, katangahan at kakornihan ko xD

Vomment naman dyan! :))

Sana po magustuhan niyo! :)))

Parking 5 ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon