Na aalala ko pa, first day of school yun. Rinig ko na lilipat ka daw dito. Parang na excite ako, ikaw kasi yung crush ng ka-barkada ko. Sabi nila maganda ka din daw, tapos mabait pa.
Struck na struck ng mga kaklase ko sa kotse ninyo, isa kasi itong mamahaling Ferrari. Paglabas na paglabas mo, bumilis yung tibok ng puso ko. Iba yung naramdaman ko. Yung para sa mga movies? Love at first sight ba yun?
Kate pala ang pangalan mo. Maganda din yung pangalan mo. Lahat sayo maganda.
Sa unang tingin, mahiyain. Pero masayahin ka pala. Palagi ka ngang nakangiti, tapos pag nagkatinginan tayo, ako na yung unang nag iiba ng tingin. Nahihiya kasi ako sayo, at sayo lang.
Second week ng pasukan, Tuesday. Pinaiyak ka nung lalaking nagkakagusto sayo. Papansin kasi siya eh. Epal kumbaga. Galit na galit ako non. Lahat ng nakikita kong gamit ng mga kaklase natin, tinatapon ko o di kaya'y hinahampas sa pader. Sabi ako ng sabi na dapat kang irespeto dahil isa kang babae.
Napaghalataan tuloy ako. :/
Napaghalataan na may gusto sayo. Deny ako ng deny pero alam ko, deep inside, nahuhulog na ako sayo.
Di ako makatulog, palagi kitang iniisip gabi gabi. Tulala ako araw araw. Masaya ako kasi nakakausap na kita ng di ako nahihiya. Kaya ko ng kausapin ka. Mahilig ka pala kay Justin Bieber kaya pinapakinggan ko na lang yung mga kanta niya dahil sa'yo. Anti fan kasi ako dati. Bakla kasi siya tapos di pa nirespeto yung Pinas.
Lumipas ang mga segundo, minuto, oras, araw, at buwan. Ikaw pa din. Walang nagbago. Mas lalo akong nahulog sayo. Kaya I decided na ligawan ka kinabukasan. Plano kong iharana ka.
Dala dala ko yung gitara ko, lahat ng tingin nasa akin.
"Kate? Pwede ba kitang ligawan?"
Di ko madescribe ang ngiti mo pero alam kong masaya ka. Masaya na masaya dahil niligawan ka na din ng lalaking may gusto sayo, yung lalaking matagal mo ng hinintay, yung lalaking gusto mo din.
Tumango ka, kasabay ng pag kirot ng puso ko.
"YES! Andrew, ready ka na? Play!" Sabi ni Ivan, yung lalaking sinasabi ko.
Nakita niya kasi ako na hawak hawak yung gitara ko, saktong sakto daw ako kasi liligawan ka niya. Wala akong nagawa kundi pumayag na lang. Tropa ko kasi siya. Ex mo din. Niligawan ka niya ulit kasi gusto ka pa niya at alam kong gusto mo pa din siya.
I started playing, eto kasi sana yung kakantahin ko para sayo pero I guess hindi ko na magagawa yun.
*insert Harana by PNE here*
Halos maiyak ka na sa tuwa. Eto naman ako, ngiti ng ngiti kahit umiiyak na yung puso. Nag assume ako, nangarap, umasa ako na one day, magugustuhan mo din ako. Kaso di yun matutupad.
Niyakap mo siya, ngumiti ka lang sa'kin. Isang ngiti mo lang, okay na ako.
Isang linggo akong di pumasok. Nagpalipas ng oras at nagpapamiss. Sana nga namiss mo ako eh. Pero hindi. Parang wala lang, balewala lang yung isang linggong pag absent ko.
Sabagay...sino nga ba naman ako para mamiss mo? Isa lang naman ako sa mga tagahanga mo. Kung saan ka masaya, doon na lang din ako.
Dito na magtatapos ang storya natin. Walang happy ending. Ikaw lang happy eh. Mag mo-move on din ako. Malay mo bukas, mawala na tong kagaguhan na 'to.