PALINGON-LINGON si Rose habang binabagtas ang daan papasok sa Comida del Jardin—isa sa mga pinakasikat na hotel sa bayan nila, ang San Jose. Hindi niya pansin ang interesadong tingin ng mga tao sa kanya. Alam na niya ang epekto ng mukha niya sa ibang tao.
Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ang nagagandahan sa kanya. Many said that she had the face of an angel. Her skin was as smooth as porcelain, and as white as snow. May lahi kasi silang Kastila. Her grandfather was half Spanish and half Filipino. She had long, shiny black hair. Hanggang bewang ang haba niyon at natural ang pagiging kulot.
Her eyelashes were thick and long and enticingly beautiful. Perpekto ang kurba ng mga kilay niya na kasing itim ng buhok niya. Matangos ang kanyang ilong na may mumunting pekas pa sa tuktok. Her cheeks were naturally pinkish, just like her full lips. And a sexy cleft chin went for a kill—iyon ang sinasabing pinaka-highlight ng napakaganda niyang mukha.
She had brown eyes, na namana niya sa kanyang ina na namana rin nito sa kanyang yumaong lolo. Nagbabago ang kulay niyon depende sa emosyon niya. Her brown eyes always turned darker—almost black—whenever she was angry. Namumusyaw naman iyon at nagiging light brown tuwing natutuwa siya.Trade mark iyon ng pamilya nila. Lahat sila ay may ganoong klase ng mga mata, mula sa kanyang mama hanggang sa dalawang kapatid niya.
Nang mapadako ang tingin ni Rose sa hawak na isang bungkos ng mababango at mapupulang rosas ay kagyat siyang napangiti. Trade mark din ng pamilya nila ang mga bulaklak. They owned an old flower shop named Amor Eterno which meant Eternal Love in Spanish. Her grandfather originally owned it. Ayon sakuwento ng nanay niya ay iyon daw ang simbolo ng pagmamahalang wagas ng lolo't lola niya ilang taon na ang nakararaan.
Kamakailan lang naisalin sa pangalan niya ang flowershop na iyon. It was her dream came true dahil mula pa man noong bata siya ay mahal na mahal na niya ang negosyong iyon. Iyon ang naging regalo ng kanyang ina sa kanya noong 25th birthday niya. Nagtapos siya ng Business Administration dahil alam niyang balang-araw ay siya ang mamahala ng Amor Eterno.
Napalingasa paligid si Rose. Nagkataong may kliyente siyang kakausapin sa kalapit na restaurant kaya siya na ang nagprisinta kay Nicanor, ang kanyang kasa-kasama sa flowershop, na mag-deliver ng bulaklak. Nalukot ang kanyang ilong nang maalala ang kanilang costumer. Her costumer was a prick. Gusto nitong i-deliver ang mga bulaklak sa eksaktong oras na itinakda nito. Ni ayaw nitong for pickup na lang ang mga bulaklak sa front desk kagaya ng mga dating ginagawa ng mga suki nila sa hotel na iyon. Kung hindi lang talaga galanteng magbayad ang maarteng costumer niya, hindi siyang mapapapayag sa pag-iinarte nito.
Nakadagdag pa sainis niya iyong pahabol ng kanyang kapatid na si Daisy bago siya umalis.
"Ate, it's your destiny to give those flowers to our customer. Malay mo, sa restaurant na iyon mo makikita ang man of your dreams."
Mas naniniwala pa si Rosesa kapangyarihan ng anting-anting kaysa sa destiny na sinasabi ng kapatid niya. Her youngest sister was a trueblood fanatic of destiny. Lahat ng bagay, ayon dito, ay nakatakda na ayon sa tadhana. Kahit ang pagde-deliver niya ng bulaklak!
"Daisy, tantanan mo ako sa kaka-destiny mo, puwede?Hindi totoo ang destiny. Choice ko ang pumayag na i-deliver ang bulaklak na ito. Kaya kung may makilala man akong prinsipe o kung sino mang Pontio Pilato, walang kinalaman ang destiny doon. It's my choice. Okay?"
"Bahala ka, pero alam kong lahat ng bagay sa mundo ay nakatadhanang mangyari."
Dahil alam niyang hindi siya mananalo kay Daisy ay hinayaan na lang niya ito. Tadhana? She smirked. Nangyayari ang mga bagay dahil iyon ang ginusto niyang mangyari.Nabubuwisit siya dahil nagprisinta pa siyang mag-deliver ng bulaklak. At siya, makikilala raw ang "man of her dreams" niya sa lugar na iyon? Daisy must be out of her mind.