NABABALIW ka na!paulit-ulit na sinasambit ng utak ni Rose ang mga katagang iyon habang nagmamadaling lumabas ng restaurant. The moment she'd slapped him hard on his face, her brain went back to working normal again. Na-realize niya agad ang kagagahang nagawa niya. Halos hindi makapaniwalang napatitig siya sa kanyang kamay. Talaga bang nasampal niya ito?
Namumula pa ang kanyang kamay kaya natitiyak niyang hindi ilusyon ang nagawang pananampal kanina. Oo at madalas siyang mambatok ng mga kapatid niya kapag tatamad-tamad ang mga ito tuwing inuutusan niya ngunit ni minsan ay hindi pa siya nakakapanakit ng ibang tao—lalo na ng isang taong hindi man lang niya kilala.
"And where do you think you are going?"
Napigil ni Rose ang paghinga nang marinig ang pagdagundong ng pamilyar na boses na iyon. Tahimik siyang napamura sa sarili habang lalong pinag-iigting ang pag-arteng kunwari ay hindi niya narinig ang nagbabantang boses mula sa kanyang likuran.
She hurriedly searched for her mini truck's keys from her body bag and silently prayed that she was just hallucinating, na hindi talaga siya nito hinabol at wala talaga siya sa lugar na iyon. Si Nicanor ang inutusan niyang mag-deliver at hindi siya. Everything was just a nightmare!
"You think I'd let you go away just like that?"
Lalong binilisanni Rose ang paghahanap ng susi sa napakagulo niyang bag. Leche! Bakit kung kailan kailangang-kailangan niyang makaalis agad ay saka naman ayaw magpakita ng bad trip na susing iyon sa kanya? Ayaw niyang lumingon, ayaw niyang isipin na papalapit na ito sa kanya at lalong ayaw niyang pansinin ang panginginig ng buong katawan niya.
Ano ba kasing katangahan ang nagawa mo, Rosing? Anak ng tokwa kang babae ka naman kasi, eh, pinapairal ang init ng ulo! Kapag ikaw pinilipit ang kamay mamaya, magdusa ka! Magdurusa ka talaga!natatarantang sikmat ng utak niya.
Halos takbuhin na niya ang kanyang mini truck. Napa-Super Saiyan Four na siya sa pagtakas pero mukhang nag-teleport naman si Thorn sa paghabol sa kanya.
"The brave rose warrior, suddenly got cold feet?" nang-uuyam na anang lalaki.
Nang tuluyang bumagsak sa sementadong sahig ng parking lot ang susing kanina pa hinahanap ni Rose ay nanggagalaiti siyang napaharap sa lalaki. Para mapasinghap lang pala dahil nalaman niyang sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. Napalunok tuloy siya ng wala oras.
"S-sinong naduduwag?" kunwari ay asik niya.
"Malamang ikaw, alangan namang ako?" bruskong sagot nito. "Sino ba ang bigla na lang tumakbo matapos manampal ng taong kasingguwapo ko?" he said through narrowed eyes.
Unti-unting nawawala ang kaba ni Rose. Nahalinhinan iyon ng galit dahil sa nag-uumapaw na kayabangan ng lalaking nasa harap niya. And for crying out loud, he was literally looking down at her! Hanggang dibdib lang nito ang mukha niya kaya nakatingala siya rito.
"Libro ka ba?Ang kapal mo kasi eh," ganting-asik niya. "Ilang pages ka ba, ha?"
"Hindi mo ba ako kilala?"
Lalong nananalim ang kanina pa nananalim na mga mata ni Thorn. His eyes almost formed a thin line. His hindi-mo-ba-ako-kilala line made her anger boil a notch higher. Isa sa pinakaayaw niyang tao ay iyong mayayabang. And she so hated that line.
Linya kasi iyon ng mayayabang na tao na may mataas na katungkulan o mataas na estado sa buhay na hobby ang mangmaliit ng kapwa.She clenched her fists. Nagawa na rin naman niyang pasukin ang gusot na iyon ay itotodo na niya.
"Hindi ko kasi kinikilala ang mga taong wala namang kuwenta." She smiled haughtily.
"Alam mo bang wala pang nakakapagsalita ng ganyan sa 'kin sa buong buhay ko? Not even a single soul tried because they know who Thorn is. And nobody messes with Thorn!" he hissed, halatang napikon na. His flawless face flushed with anger.