Chapter 5: Caught in Act

37 0 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong saakin ni kuya.

Buti naman at kumalma na siya.

"A-ahm. Wala, papasok na sana ako sa bahay pero nadatnan ko kayong nag uusap eh." Sabi ko. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako.

"Ganun ba, sige, pumasok kana doon. Kanina ka pa hinihintay ni mama at papa." Sabi ni kuya.

"Ahh. Sige kuya. Una nako sa loob." Sabi ko at dumiretso na sa loob. Naabutan ko si mama at papa na nanonood ng TV.

"Oh anak, anjan ka na pala. Umupo ka muna dito." Sabi saakin ni papa at umupo na ako sa gilid nila.

"Saan ka nanggaling Jenelle? Kanina pa kita pinapahanap sa kuya mo pero di ka niya mahanap." Tanong saakin ni mama.

"Sorry po ma. Galing lang po ako sa park. Nag lakad-lakad." Sabi ko at ngumiti.

"Ah ganun ba. Gusto mo na bang kumain? Nag luto nako ng pagkain para sa dinner." Sabi ni mama.

"Sige po ma. Kumain napo kayo?" Tanong ko.

"Oo, kanina pa kami kumain. Ang tagal mo kasi eh." Sabi ni mama.

Dumiretso na ako sa kusina at kumain. Pagkatapos ko kumain nagpaalam na ako kela mama na aakyat nako ng kwarto.

Napag isipan kong mag open muna ng facebook. Pagka open ko ang daming friend requests, notifications pati messages.

Chineck ko kung ano yung mga message pero ang nababasa ko lang ay puro compliments. Sa freind requests naman mga di ko kakilala pero alam kong mga schoolmates ko to. Sa notifications naman puro likes and comments.

Dahil tamad ako, hindi ko na chineck lahat ng mga notif and messages.

Sunday na pala bukas. Buti wala paring pasok. Yayayain ko nalang si Chloe na mag mall bukas.

Gabi na kaya natulog na ako. Pagka gising ko kinaumagahan, tinext ko agad si Chloe.

To: Chloe

Uy best. Mag mall tayo ngayon. Wala naman akong gagawin ngayon eh. Sunduin mo nalang ako dito mamayang 11:00.

Sinend ko na sakanya at naghilamos na muna ako. Pagka balik ko napansin kong nag beep yung cellphone ko. May message pala ako.

From: Chloe

K. Be ready at 10:30.

Ang sungit naman neto. Bahala siya sa buhay niya. :3

Bumaba na ako para kumain nang maabutan ko sila mama na kakatapos lang kumain.

"Ma, pa. Aalis po aoo mamaya. Mag ma-mall lang po kami ni Chloe. Magpapasundo lang po ako sakanya." Sabi ko kela mama habang kumukuha ng pagkain.

"Sige, basta mag iingat ka mamaya." Sabi ni papa.

Pagkatapos ko kumain nag ready na ako. Pagkatapos ko mag ayos sakto pagkababa ko andoon na si Chloe.

"Tara na best." Sabi ni Chloe at nagpaalam na kela mama.

"Sige po. Una na po kami. Ingat po dito." Sabi ko kay mama at papa tapos lumabas na.

Habang nasa kotse kami ang tahimik kaya naisipan kong mag tanong kay Chloe.

"Kilala mo ba yung nerd na laging nakatingin sa atin?" Tanong ko. Sorry curious lang ako.

"Hindi. Bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"Tinulungan niya kasi ako kahapon. Pinahiram niya saakin yung panyo niya. Hindi ko alam paano siya nakarating doon sa park na yun."sabi ko.

Halata na nagtataka si Chloe. Dahil iniisip niya wala naman talaga akong pake sa mga lalake. Hindi ko rin nga alam bakit ko nagtatanong tungkol sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon