THE REVENGE OF MISS NERD

31 0 0
                                    

CHAPTER 25

GWEN'S POV

*group 3 room*

pumasok na ko sa kwarto dahil pagod na akong habulin pa si eros sa sobrang bilis nyang tumakbo

nakakapagod at nakakahingal ikaw ba namang paikot ikot sa loob ng retreat house hindi ka mapapagod?!

ngayon naman pinapababa na kami ng teacher namin para daw makakainin na daw kami ng dinner

bumababa na ako kase gutom na din yung mga bulate ko sa tyan

by group din yung table na kinakainan namin pero nakikita pa naman namin yung ibang table ng mga mag kakagroup

nandito na si erick at geoff pag tapos ay dumating na din si eros

aishhh...ang lalaking to!

tinignan ko sya ng masama pag tapos sya iyon naka ngisi lang

habang kumakain kami napansin kong wala yung dalawa si jude at joyce

siguro mag kasama lang yung dalawa?!

tinignan ko naman sila erick at geoff na tahimik lang na kumakain pero halata sakanila na naiinis sila

aishhh...bat ba pinag-group pa ni maam yung tatlong lalaki dito baka mag suntukan lang to lalo na si jude at erick

aishhh....

nakita ko namang papasok si jude at tahimik na nag lalakad sabay umupo sa upuan

"si joyce asan??"

tanong ko kay jude at napatingin naman sya saken at halatang nagulat sa sinabi ko

"huh??...si joyce??"

takang tanong nya saken

"oo,asan sya?akala ko kasama mo sya?! kanina nag paalam syang may gagawin pero wala sya sa taas nung pumasok ako sa kwarto.,kanina pa kase kayo wala kaya akal-----"

naputol yung sasabihin ko kase napatayo si jude at napahampas sa mesa

"ANO???"

sigaw nya at yung mga ibang group napatingin sa mesa namin dahil sa pag sigaw nya buti wala si maam dito

napatakbo sya palabas kaya yung dalawa na sila geoff at erick napatakbo na din at ako diko alam kung anong gagawin ko

kaya naman naisip ko na din na lumabas at hanapin din yung pinsan ko

"gwen!..sandali lang! "

sigaw ni eros

nasan kana ba??

JOAN'S POV

nakita ko sa kabilang table na wala si jude at joyce at napansin naman iyon agad netong si gwen

pero wala naman syang ginawa at kumain na lang

nakita kong papasok si jude ng pinto at tahimik na umupo sa table nila

narinig ko namang tinanong ni gwen si jude kung asan si joyce pero nag taka lang tong si jude

antanga nila!

THE REVENGE OF MISS NERDWhere stories live. Discover now