Bakasyon na.
Isang taon na pala ang lumipas.
Mula sa pagiging isang junior..senior na 'ko sa high school.
Ano kayang bago sa pasukan?Pero syempre, 'tong bakasyon muna. Ano kayang bago? Wala kasi akong gagawin ngayon. Naiwan kasi kami ni Lola dito sa probinsya tsaka pinsan kong si Biboy.
"Ate Miaaaa"..tawag ni Biboy sa labas ng kwarto ko.
"Bakit?" sagot ko mula sa cr . Nililinis ko kasi nagkalat si Tsutsu, alaga kong tuta."May naghahanap po sa iyo."
"Sige. Labas na 'ko. Sandali kamo."Natulala ako paglabas ko.
Isang malaking kahon ang bumungad sa harap ko."Ate. Natulala ka na?" sabi ni Biboy.
"Ha?"
"Bakit nakatulala kana dyan? Nasa baba po si Sister, baka mainip po 'yun."Sister?
"Ah. Sige, bababa na. Ano 'to?" turo ko sa kahon.
"Padala po ni Tita ." sagot niyang nakangiti.Hay. Akala ko....
Pagbaba ko biglang tumayo si Sister Gina. Hermana siya dito sa lugar namin.
"Neng." sabay ngiti niya. Ngumiti din ako at nagmano.
"Ay, sister, ano po ang atin? Kain po kayo." Inabot ko sa kaniya 'yung platito at ipinaghiwa siya ng pudding.
"Salamat. Naku, napadaan ako kasi babanggitin ko na 'yung paghahanap namin ng magiging nobisya sa bayan. Naisip ko, baka pwede ka kasi bakasyon naman. Bukas na magsisimula. Pasensya na biglaan kasi nagkulang kami ng ipapadala sa bayan. Nagkasakit kasi si Lea........"Kinabukasan.
"Lola." Nagmano ako at lumabas na ng gate.
"Bibs, si Lola ah." Pahabol kong sigaw kay Biboy. Tumango naman siya habang nakatawa at kumaway. Pang-asar lang. Sumakay na ko sa motor ko at nagdrive papuntang bayan.Pagdating ko ng simbahan nakita ko si sister Gina na nakangiting kumaway nang malapit na ako. Lumapit ako sa kanya pagkaparada ko sa may tabi ng kumbento.
"Sister." Nakangiti kong bati.
"Naku, neng, thank you ulit. Pero nagdala ka ba?"
"Ah. Opo." Nakangiwi kong sagot.
"Ngayong buong buwan lang naman, neng. Hehe. Halika na. Nandoon na sila. Nagsimula na silang mag meeting tungkol sa magiging flow."Sumunod na ako sa kanya. Pumasok kami sa simbahan at biglang napatingin si father. Tumigil siya sa pagsasalita at ngumiti. Nagtinginan din yung ilan na makakasama ko ata buong Abril. Nagpatuloy si father sa pagbibigay ng instructions and rules sa magiging takbo ng pag nonovecia namin o mas maiging sabihing "sakripisyo", sabi nga ni father.
Bale 18 lahat kami. 10 babae at 8 lalaki. Sa isang bahay kami titirang lahat ng babae. Sa ibang bahay naman ang mga lalaki. Araw-araw magdadasal at magpapasyon.
Bago.
Nakakapanibago lang.
Ibang-iba ata magiging summer ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang Abril
RandomA short story. Mia is just an ordinary girl. Until he met this cute and charming altar boy. Bali-balita na magpapari daw ito. Wala naman siyang pake. Pero bakit nang magconfess ito sa kanya ay nagbago ang lahat. Kaya ba niyang harapin ang sinasabi n...