Unang araw ng pagsasakripisyo namin kahapon.
Nakakapagod pala ang ganitong gawain pero di ko akalain na makakaramdam ako ng "fulfillment" sa unang araw pa lamang.
Nakakahiya mang sabihin pero inakala ko talagang nakakatamad ang ganitong gawain.Ngayon lang kasi ako nakasali sa mga gawaing pansimbahan dito sa lugar namin.
Una - kasi pagsisimba lang ang alam ko.
Pangalawa - tuwing bakasyon kasi nasa Manila ako.
Pangatlo - hindi ako nasasabihan na may mga ganto pala.Hindi naman kasi pala simba parents ko.
Isa pa, nasa Manila sila parehong nagtatrabaho.
Palaging wala. Palaging trabaho. Hay. Tama na muna ang drama.Papunta kami ngayon sa simbahan para sa angelus. Malapit na kasi mag 6:00 am. Maaga kami nagising para magligo at kumain.
Takal ang bawat kain namin.
Part ng sacrifice.
Bawas paggamit ng cellphone at iba pang gadget na hindi naman kailangan.
Part din ng sacrifice.
Pwede ka din mag-include pa ng iba pang sacrifice."Mia."
"Uy."
Si Clark. Kasama namin.
Tumingin lang siya at ngumiti. Tiningnan ko naman siya at naghintay ng sasabihin niya pero nangindat lang at tumakbo. Nakarinig naman ako ng nahihinang irit sa likuran ko."Hmmmm.." makahulugang ngiti ni Louie. Barkada 'ata niya. Napangiti na lang ako kasi alam ko namumula na ako.
"Uy, red cheeks na si bebe." sabi naman ni Ate Rea at sinabayan ako sa paglalakad ng mabilis. Tinusok tusok pa ako sa tagiliran ko. Tumawa na lang ako at nagpatuloy kami sa paglakad gang makarating sa simbahan.
Lunch time na ngayon at andito kami sa bahay na tinutuluyan namin. Andito din yung mga lalaki. Pwede naman silang tumambay dito basta walang gagawing kalokohan.
"Salamat sa iyo..aking Panginoong Hesus........"
Napalingon ako kay Clark. Tumitipa siya sa gitara.
Sama-sama kasi silang nakaupo sa maliit na sala habang nag-iintay na matapos kaming ilang babae sa pag pe-prepare ng mga pagkain sa mesa.Ang ganda ng boses niya. Bumalik ako sa pag-aayos ng mga pinggan at tahimik na pinakinggan ang kanta.
Pag-aalay. Paborito kong kantahin at isa sa iilang praising songs na alam ko.
"Ang tanging alay ko..sa'yo aking Ama..."
Napatingin sila sa akin. Kinanta ko kasi nung nasa chorus na at hindi ko akalain na magso solo ako. Wala kasing sumabay. Huhu. Napatalikod na lang ako sa kanila at kinuha yung spoon and fork holder.
Nagsitayuan na din sila kasi nag-aya na si ate Melissa (ate naming lahat dito) sa pagkain.
"Maganda pala ang boses mo Mia."
Napatigil ako sa pagkain at tumingin kay Clark. Magkatabi kami ng upuan.
Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain. Nahihiya pa din akong makipag usap sa kanya lalo na nung nangindat kanina.
Mabuti na lang at busy sila sa pagkukwentuhan at hindi masyadong napansin si Clark. Maloko kasi yung ilang barkada niya.
BINABASA MO ANG
Hanggang Abril
RandomA short story. Mia is just an ordinary girl. Until he met this cute and charming altar boy. Bali-balita na magpapari daw ito. Wala naman siyang pake. Pero bakit nang magconfess ito sa kanya ay nagbago ang lahat. Kaya ba niyang harapin ang sinasabi n...