"Cloud ano ba! Ibigay mo na kasi yang phone ko ano nanaman bang pinagagawa mo diyan?"
Sigaw ko sa kanya bigla nalang kasi niyang kinuha yung phone ko ewan ko ba diyan at bigla nalang may pinagpipindot at dahil team kulang sa height ako e di ko kayang abutin peste naman oh! Kung bat ba naman kasi may mga pinanganak pang matatangkad.
"Princess saakin na muna kasi to. ibabalik ko naman mamaya e. Promise I won't do anything stupid, sandali nalang to"
Sabi nitong nakatingin saakin pero nakataas naman yung isang kamay para di ko aprin maabot. Trinay ko na lahat kiniliti ko siya pero wala siyang kiliti. Tinalon talon ko na pero di ko parin maabot naman e.
"Siguraduhin mong ibabalik mo yan ha" I give up. Hindi ko talaga kayang kunin.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin at yung bisugong yun naman e mukhang timang sa pag ngiti niya. Hay kung di ko lang talaga siya mahal. Oo mahal ko ang kumag na yan. Nakilala ko siya dito sa school at magkaklase kami.
First day of school noon nung umupo siya sa katabi kong upuan at dinaldalan niya ako, at simula noon kami na lagi ang magkasama. Siya ang naging kaibigan ko sa school na to at sa tingin ko hanngang kaibigan nalang talaga.
As time goes by hindi ko na namalayan na napapamahal na ako sa kaniya. Hindi bilang isang kaibigan dahil higit pa dun ang pagtingin ko sa kaniya. Kung mahal niya lang rin sana ako hay.
Ayokong masira ang friendship namin ng dahil lang sa lintek na feelings na to pero kung may feelings rin sana siya saakin ipupush ko to hahaha! Pero ngayon kelangan na talaga naming pumasok sa classroom kasi natatanaw mo na si ma'am kaya tumingin ako sa kanya ang gwapo talaga ng nilalang na to pagseryoso kaya ko siya naging crush nun e.
Busy na busy siya sa pag bubutingting ng cellphone ko kaya naman tinawag ko na siya para pumunta sa classroom kasi baka mamaya pagalitan kami.
"Oy ulap tara na sa Classroom andiyan na si ma'am" pag-aaya ko sa kaniya
Hinigit ko nalang siya kasi parang wala atang balak tumayo e o diba libreng chansing HAHAHA! Nung nakarating na kami sa seats namin e sakto na ding dumating yung teacher namin at binalik na rin niya phone ko.
I wonder kung anong ginawa niya sa phone ko, baka naman naglaro lang hay.
Nagdiscuss lang nagdiscuss si ma'am good thing pumapasok naman sa utak ko hay! Natapos ang klase namin sa kaniya at vacant namin ngayon 2 sub. yes naman.
"Pssst, Cess" cloud
"Hmm?" Tinatamad ako magsalita e.
"What if I ask you to stay with me forever? Would you stay?"
Seryoso siyang nagtanong. Ang bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko, sobrang bilis. Ano isasagot ko? Should i stay or not? Isang dahilan rin ang pag alis namin sa pilipinas kaya di ako umaamin sa nararamdaman ko at hindi ko pa yun sinasabi sa kanya.
Though, forever is not enough. Corny AF
"Oo Naman, I'll stay" ..with you just for 1 week.
Naiiyak nanaman ako sa tuwing maaalala ko na pupunta na kami ng ibang bansa. I just can't. Iiwan ko siya at ang masaklap 1 week nalang ako dito kaya sinusulit ko na yung pagakakataon. Alam ko kasi na kapag sinabi ko sa kaniya na aalis na kami gugulo lang. Kilala ko si cloud baka may gawin yan para lang hindi matuloy ang flight namin.
