Chapter 1

2 0 0
                                    

A/N: NOT EDITED. THANKS :))

------

Chapter 1 - White Roses

Rose Pov.

" Rose wake up. Wake up! "

Naramdaman ko na parang may yumuyugyog sa balikat ko.

" Hey, malalate ka sige ka. "

Argh, oo nga pala may klase pa ako.

" Okay, okay. "

Naring ko na lang na nagsara yung pintuan sa kwarto ko. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo ko dito sa kwarto. Pumunta ako sa harap ng salamin at tumitig lang sarili ko.

" Okay Rose. Bagong araw, may bagong sawi. "

Nagkibit balikat na lang ako at naligo na lang.

-------

" Rose, kamusta pag-aaral mo? "

Tanong sa akin ni mama. Nandito kami sa dining room. Kumakain ng agahan.

" Good. "

Tipid kong sabi sa kaniya.

" Oww, okay. Bilisan mo at baka ma-late ka. "

Sabi sa akin ni mama. Tumango lang ako as answer. Pagkatapos ko kumain tumayo na ako at kinuha yung bag ko.

" Bye. "

Paalam ko sa kanila. Nag-wave lang sila ng hands.

------

Habang naglalakad ako may nakasalubong akong lalaking parang adik. Lumapit ako sa kaniya at nagtanong. Kung tatanunin niyo kung natatakot ako? Nah, hindi.

" Pwede magtanong? "

Tumingin siya sa akin at tinitigan ako bago siya nagsalita.

" Ano yun? "

Matamlay na pagkasabi niya sa akin at parang wala sa sarili.

" Anong nangyari sayo? "

Tanong ko ulit sa kaniya. Iniwas niya ang titig sa akin sabay umupo sa may tabi ng kalsada.

" Hiniwalayan kasi ako ng asawa ko. "

Sabi niya. Umupo ako sa tabi niya at nakinig lang sa kwento niya.

" Pati anak namin kinuha niya. "

Sa nakikita ko hindi siya nasaktan dahil hiniwalayan siya ng asawa niya kung hindi iniwan siya ng anak niya. Nakikita ko ang sobrang pagmamahal niya sa anak niya.

" Minsan sa buhay mayroong umaalis dahil sumusuko na. Pero ang maganda doon, mayroong bumabalik dahil sila ang mga taong hindi bumitaw sa iyo. "

Sabi ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi ko iyon.

" Here. "

Sabi ko sabay ibinigay ko ang isang rosas sa kaniya. Nakita ko na parang naguluhan siya kung bakit binigay ko iyon. Tumayo na ako at lumakad na paalis.

------

" Rose saan ka galing? Muntik ka nang ma-late ah? "

Tanong sa akin ni Lee. Bakla yan pero parang hindi halata kasi kung pumorma parang lalaking lalaki talaga.

" Ah, diyan lang. May binili lang ako. "

Sabi ko sa kaniya at umupo na sa tabi niya.

" Ano na naman binili mo? Don't tell me yung mga white roses na naman? "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon