IV

22 2 0
                                    

Gumala

"Bakit ako magseselos?" Tanong ko. Nakita ko ang pag ngisi nya bago sya nagkibit balikat.

"Malay mo." Aniya bago ako tinalikuran.

Naiwan akong tulala sa locker's area.Ng makaalis sya ay hindi ko na maiwasang mapa sandal sa pader ulit. May alam ba sya? Gosh! Alam ba nyang gusto ko sya? Gusto ko nalang mag palamon sa lupa kung ganun! 

Pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nangyari kanina. Yung katawan nyang malapit saakin. Yung mukha nyang malapit din saakin. We acted like we're kissing! Inamin nya ding hindi sila MU ni Trisha sa harapan ko! I think this is the best day ever! Kaya para akong baliw na nakangiti ng bumalik ako sa canteen. Lumundag agad ang puso ko ng makita ko syang nakikipaag tawanan sa mga kabarkada nya pero nakatingin naman saakin. Shit. Hindi ko nalang pinasin yun at naglakad ulit pabalik sa table namin.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ni Clarissa ng makaupo na ako. Nagkibit balikat lang ako.

"Sumakit yung tyan ko." I lied. Tumango tango lang sila at bumalik ulit sa pag kain. Naalala ko na naman ulit yung nangyari kaya napangiti ulit ako sa kawalan. Nawala iyon ng maramdaman ko ang malakas na hampas ni Hannah saakin sa ulo. 

"Aray!" Sigaw ko at hinimas ang gilid ng aking noo.

"You're creeping me out!" Ani Hannah habang napatigil sa pagkain. Ngayon ko lang napansin na nakatitig pala talaga silang apat saakin na parang nababaliw na ba ko o ano.

"What happened?" Pag uusisa naman ni Shannon. Umiling nalang ako. Masyado na nga akong obvious.

"Nothing! Bilisan nyo nalang dyan! Malapit ng mag bell." 

Hindi ko na sila pinansin kahit pinagtaasan pa ako ng kilay nina Vanessa at Clarissa dahil alam nilang nagsisinungaling ako. Wala naman kasi silang may magagawa kung ayaw kong sabihin yung nangyari. It's my own privacy!

---

Tumunog ang bell ng pang huling subject namin sa araw na eto. Mabilis na nagsilabasan ang mga kaklase namin at kasama na doon kina Shannon. The first day drama ends here! Wala pa naman kaming mga lessons dahil panay pag papakilala ng bawat isa sa buong klase at sinabihan din lang kami na mag papalit na daw nag seat plan bukas.

"Uuwi ka na, Bri?" Ani Vanessa na nag lilipit ng gamit nya sa tabi ko. Umiling ako sakanya.

"Mall muna ako. May bibilhin pa akong libro." Tumango na lang sya at nagpaalam na din saakin bago umalis. Now I'm left here all alone.

Mag-isa akong nag lakad palabas ng gate ng school namin ng biglang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat! Unti-unting bumukas ang bintana neto at agad na bumungad saakin ang nakangising si Lorenzo. Nalaglag ang panga ko sa nakita.

"Where are you going?" Tanong nya saakin. Hindi agad ako nakasagot dahil sa gulat na nanalaytay sa aking sistema. Pinagdasahan ko ng tingin ang sasakyan na nasa harap ko.

What? He's driving a car? He has a damn car? Fuck! Ang yaman nya talaga. He's just sixteen pero may sarili na syang sasakyan and he knows how to drive it. Bumilis ang tibok ng puso ko at napanguso para mapigilan ko ang pag ngiti sa harap nya. Malalaman nyang may gusto ako sakanya pag ngumiti ako dito ngayon din!

"M-may bibilhin lang sa mall." Sagot ko. Nawala ang kanyang ngisi habang nakatitig pa din saakin. I saw how his fingers played with his lip habang yung isang kamay naman nya ay naka hawak sa manubela ng kanyang sasakyan. He looks hot.

"Hop in." 

Literal akong natigilan dahil sa alok nya. Doon lang nag sink in saakin ang gusto nyang mangyari! He wants me to ride with him! Is this a dream? Tumingin ako sakanya at nakita ko ang pag buntong hininga nya habang nakatingin saakin. I'm hesitating if I'll ride or not at mukhang nakita nga nya iyon base sa expresyon ko. Pinatay nya ang makina ng kanyang kotse bago sya lumabas ng sasakyan. He walked towards me with his hands inside his pockets. Lumapit sya at nagulat ako ng kunin nya mula saakin ang backpack ko at inilagay iyon sa front seat.

Tale of the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon