AN: Congratulations sa LizQuen dahil blockbuster movie nila and PMPC awards for Forevermore.
Quen's POV
"Dude, mauna ka na. I need to go to hospital. I'll just ride a cab."
Nagtatampo na ako dito. Loko, kaibigan niya kaya ako."Ano ba nangyari? Hey!" Tatawag na ng taxi ang loko. Walang hiya, napapraning din tuloy ako.
"Dude. Nasa hospital si lola, so pwede ba? Let go of me." Takte. Alam kong napakacold nang taong 'to pero nababakla talaga pagdating sa pamilya.
"Pasok!" Hila ko ba naman hoodie niya.
"What? Hey, I appreciate your comfort but I don't want to be a burden to other people." Dami alam. Ako pa ata mahohospital sa kakaenglish nito.
"Sino ba nagsabi sa'yo na burden ka? Tao ka kaya at saka kaibigan kita. Tatayo ka nalang ba dyan o magshoshooting tayo magdamag? Sakay na bago pa may magkagulo sa kaguwapuhan ko." Guwapo ko talaga. Napakalaking problema ang pagiging guwapo.
"Okay. But don't tell Naddie about this." Tama ba pagkakarinig ko?
"Wha-why? Paano kapag nalaman niya? Magtatampo 'yun." Pwede kay Liza, bawal kay Naddie.
"Basta. Ako nang bahala." What an accent.
"Jaye, alam namin na independent ka and you don't want to rely on other people but we are your friends. Huwag mong solohin problema mo." Ay andrama mo Quen, guwapo ka na nga best actor ka pa.
"Okay. Sorry. Ayaw ko lang na pati kayo mamroblema din about dito. Malapit na ang examination, but dude wag mo muna sasabihin kay Naddie, okay lang kung kay Liza." Napabuntong-hininga nalang ako. Bahala na nga. Hindi naman siguro siya hahanapin ng babaeng yun.
Nadine's POV
"Gising ka pa?" Ay hindi kuya, actually nanaginip lang ako.
"Hmmm. Tinatapos ko lang po project ko." Kumuha lang ako ng coffee, malapit na rin naman siyang matapos.
"Ha? 'Di ba sabi mo tapos mo na kanina." Ikot-ikot ng swivel chair niya. Isip bata.
"Kay Jaye 'to kuya. Alam ko namang uumagahin na naman siya dahil sa trabaho niya. Wala nang oras yun para gumawa ng school works." Ubos na kape ko. Timpla ulit.
"Kunsabagay, hanga din ako diyan Jaye. Nag-aaral at the same time binubuhay pamilya niya. Malayo mararating ng batang yan, di katulad nung isa diyan." Aba. Hinihingi ko ba opinyon niya.
"Whatever. Maganda ako. Ciao."
Wait. Kinakabahan ba ako o nagpapapalpitate lang ako. Sa kape lang siguro 'to. Hays.
BINABASA MO ANG
Bestfriends (JaDine and LizQuen)
FanfictionMay mga bagay talaga na dapat itapon for the sake of friendship. Bestfriends? Sila 'yung mga taong tatagal sa kabaliwan mo, tatanggap sa kahinaan at nagmamahal sa'yo. Meet Naddie, Jaye, Quen and Liz. They are the ideal barkadas that people around th...