May magsyota na naguusap sa park.
Magtatapos na sila ng college nung time na yun.
Pinag-uusapan nila ang future nila hanggang sa nasabi ni boy na..
BOY: Pag hindi ka nakagraduate hindi na kita papakasalan ah.
GIRL: Sige ba, Deal ako diya. Yabang mo naman.
BOY: Hindi naman sa nagyayabang ako, gusto ko lang naman na may natapos ka pagmagpapakasal na tayo eh.
GIRL: Sige na nga. Pero promise mo ah. Kapag nakagraduate ako magpapakasal na tayo.
BOY: Siyempre, mahal na mahal kita lahat gagawin ko para sayo.
GIRL: Ang sweet mo naman. baka maya diyan ikaw ang hindi maka graduate sa atin.
Araw na ng graduation, Hindi kasama si boy na nakagraduate. Si girl lang ang nakatapos si boy.
BOY: Ano tara pakasal na tayo.
GIRL: (walang kibo. Masama ang loob)
BOY: Bakit ang lungkot mo? Hindi ka ba masaya na nakagraduate ka? Ako nga masayang masaya ako sa iyo eh.
(Hinawakan niya ang kamay ni GIRL.)
GIRL: (Pagalit niyang inialis ang kamay niya ang pinagsigawan niya kay boy na)
GIRL: Ang yaang yabang mo kasi. Ang TANGA-TANGA mo naman pala. Ikaw pala ang hindi makakagradute eh. Kapal ng mukha mo kala mo papakasalan kita? Asa ka.
BOY: Pasensya na at naging tanga ako kaya hindi ako naka graduate.
Pabulong na sinabi ni boy na sinabi ni boy kay girl na... para hindi mapahiya si girl dahil mahal niya.
BOY: naging tanga ako dahil sa takot kong hindi ka maka graduate pinagpalit ko ang test paper natin para ikaw ang makapasa sa atin.